Monday, September 29, 2014

judgemental


rush hour. 


katabi ko (sa kaliwa) si manong intsik. simple pero mukhang shala. parang pupunta sa isang abandonadong factory ang effect niya upang i-meet ang kanyang mga hawak na bata/goons. smuggler/drug lord ang dating ng lolo mo. 

sa kanan ko naman ay si kuyang constru. suot ang loose shirt, pakak na pakak baggy pants at super wear din siya ng pares ng makasaysayang islander  habang bitbit ang kanyang bagelya na may tatak na... (wag ka ha!) 


jaraaaan!!! 



NORTHFACE na...







...JAPEYKS (well, ayon ito sa minadaling pagbuburda ng tatak at ng tela na kawangis ng sa sako. chos.) 



judgemental lang? charms!



feeling fresh naman ang eksena ko. feeling ko sumapi sa'kin si Kim Chiu ng mga sandaling 'yun. parang sampung whisper cottony clean ang nakasalpak sa kili kili ko. ni hindi ko man lang narinig na nag-alarm ang wetness indicator. may pa-sweet moves pa ang bruhilda sa saliw ng musika nina teh Britney at Will.I.Am.




nang biglang...



" Ugaliin po nating humawak sa mga safety handrails. I-check ang card na gagamitin upang makalabas sa istasyon. ugaliin din po nating i-check ang mga gamit bago bumababa ng tren (super check naman si koya as if may gintong martilyo at lagare ang bagelya ng futa) at MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT. Maraming salamat po," 


ang paalala ng lrt operator. 


sabay tumingin si lolo drug lord at si kuya constru sa'ken. sabay sila. yiz, Ate Charo! sabay na sabay! parang nag-practice. futa lang. hahahaha...



so sino ngayon ang judgemental???

isang mensahe para kay Katya


kinakalikot ko ang aking epbi account at aking nahalungkat ang ilan sa aking mga ni-post noong nakaraang 2012. nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking mensahe sa pinakamahalagang babae sa fuso ko (kyombels? charms!).

Katya,
saksakan ka ng sungit! oo! at alam mo 'yan! naalala ko pa nung bata pa ako, ayaw mo akong palabasin sa tanghali dahil kailangan kong bumorlogs. parusa kaya sa'ken'yun. kurot na walang kasingsakit ang ipinapataw mong parusa kapag tumatakas ako. kulang na lang ipahid ko ang shulami (kulangot) sa aking twinkling eyes at magpapanggap silang mga muta para lang hayaan mo akong makalaya kahit sikat na sikat pa ang araw.
tila mga flying saucers ang mga hangers sa balur kapag sobrang gulo ng paligid dahil pinaghahagis mo sila habang ako ay nakahilata pa rin sa aking higaan. ang lakas mo lang manira ng byuri rest divah?
sukdulan talaga ang inggit ko sa mga kaklase ko noong elementarya dahil nakaranas sila magsuot ng butch (boots), mag-alaga ng digital pets o tamagotchi at magpayabangan ng mga bagelya na may gulong. ang sususyal nila. samantalang ako pilit kong pinagkakasya yung sampung pisong pinapabaon mo sa akin noon araw araw. todo tipid talaga ang ginagawa ko para lang ma-experience ng dila ko ang tamis asim ng nerds at cry baby.
ilang beses ka bang nag-this I promise you na rereguluhan mo akeli ng telepono? taun taon mula nung high school hanggang kolehiyo, puro pangako. kahit nga pager hindi ko man lang naranasan.
knows mo rin ba inggit na inggit ako sa mga kalaro ko noong bubot pa ako. hinahayaan lang sila na maglaro maghapon. kahit hatinggabi na, nae-enjoy pa rin nila ang kalye dahil walang sumusuway sa kanila. eh ikaw? alas-9 pa lang ng gabi dinig na dinig ko na yung voice of the philippines mo. nagsusumigaw upang pauwiin ako. imbiernang imbierna talaga ako sa'yo nun! witchels ko man lang ma-showcase ang galing ko sa paglalaro ng bangsak at tagu-taguan (tingalingaling dingdong. uminom ka ng laso. patay, alive, umalis ka na jan sa place mez! oh divah? ganun yung kanta para piliin yung taya? charms! hahaha.) outstanding pa naman ang performance ko sa mga larong yun. kaya lang lagi mo ako pinapauwi agad.
alam mo ba na KATYA ang tawag sa'yo ng mga prendsyip ko nung college? kasi naman, tuwing daratnan ka nila sa balur naten kung hindi ka nakatapis ng tuwalya dahil freshly baked ka from bathroom, nakasando ka lang na manipis at shortypops na walang pinagkaiba sa shontilou (panty). juice ko! kinabog mo talaga sina maui taylor at yung iba pang viva hotbabes sa pang araw araw mong eksena.
pero alam mo rin ba na mas nainis ako sa sarili ko nung na-realize ko kung gaano pala kahirap ang trabaho mo. kung gaano ka ka-ngarag sa dami ng ginagawa mo at hirap mo. napagtanto ko na ang trabaho mo ang pinaka-haggard na trabaho sa balat ng lupa.
kahit anung gigil at inis mo sa'ken dahil sa sobrang tigas ng ulo ko, marinig mo lang ang "sorry" mula sa'ken, nakakalimutan mo na lahat ng galit. ikaw rin ang nakadiskubre ng tunay kong pagkatao. anu'ng ginawa mo? niyakap mo ako, nag-iyakan tayo at buong puso mong tinanggap kung anu ako.
alam mo namang iyakin ako pero anu nga ba yung text mo sa'ken nung last birthday mo habang nasa hospital ako hinihintay ka, "MAGPAGALING KA LANG, 'YUN NA ANG GIFT MO SA'KEN!" lalo akong napahagulgol dahil hindi lahat ng tao makakaranas ng kung anu ang pinadama mo sa'ken.
hindi man maayos ang pagkakasulat ko nito, alam naman Niya na galing sa puso ko lahat ng nakasulat dito. hindi ko alam kung bakit ikaw ang ibinigay NIya sa'kin. masama ang ugali ko pero bakit tila isang napaka-espesyal na regalo pa ang ibinigay Niya sa'ken.
sakali mang mawala ako at magkaroon tayo ng susunod na buhay, hihilingin ko sa Kanya na ikaw muli ang kanyang ibigay. hindi lang alam ng mga tao kung gaano ako kasuwerte magkaroon ng isang tulad mo. 
MAHAL NA MAHAL KITA, MAMA! 
IKAW ANG PINAKA-ESPESYAL NA BABAE SA PUSO KO.

Monday, September 22, 2014

ILAN SA MGA URI NG PASAHERO SA TREN


1. NYOLDAPERS - wiz kalifa silang bitbit na baril or patalim pero tulad ng mga tunay na nyoldapers, itututok nila sayo ang kanilang naghuhumindig na sandata. mga manyak ang mga futa. rare ang mga gwapong nyoldapers ngunit ang champakang nyoldapers, nagkalat sa tren. imbiyerna at Mariah Scarey sa kanila ang mga babaylan ngunit sila naman ang target at hinahanap hanap ng mga mae-elya na mga badesa mae na hayok na hayok sa notches at betchikola ang siksikan sa tren at tila witchels na nilang bet matapos ang biyahe dahil kasabay ng paglisan ng mga nyoldapers, maglalaho na rin ng tuluyan ang kanilang mga nakaw na sandali.
2. SYET BADI BADI GANGSTER - wirishima sila members ng dance group na mega dansuy ng shake body, body dancer ni teh maricel (laxa? 'wag tonta! soriano teh!). sila 'yung mga parang sawa na nakapulupot sa rail o kaya nakasandal habang nag-e-emote sa biyahe. dermalin sila sa paligid na kahit obvious namang tumutumba tumba na 'yung ibang pasahero dahil walang mahawakan at hindi man lang magkusang-loob na hayaang makahawak ang iba sa mga safety hand rails. basta kumportable sila sa powsisyon nila na parang jowa nila yung bakal. kulang na lang halikan nila sa sobrang tindi ng pagkakakapit ng mga hitad.
3. LIBAG - tulad ng mga dead skin cells, hilig nila ang magsusumingit. dermalin kung ma-sight nila na wala ng espasyo ang tren at halos witchels nang humihinga ang mga tao sa sobrang siksikan. may i singit talaga ang drama nila at push to death kahit nagwawala na ang mga tao sa loob. wala silang fuso. karamihan sa kanila 'yung mga na-late yata ng gising at ayaw mahuli sa trabaho kaya idinaan na lamang sa santong paspasan ang pakikipag-gigitan makarating lamang sa kanilang destinasyon sa oras.
4. LOVE BIRDS IN PARES - self explanatory. yeast! flang! flang! flang! redundant na nga divah? sila 'yung mag-jowalina na owber sa ka-sweet-an. 'yung ilan sa kanila medyo pa-sweet lang. feeling jamich ang mga ja-b*tch na itez (bitter? haha). akala mo aagawin ang jowabels nila kung makayakap. parang isang umaandar na motmot pa nga minsan ang tren sa ilang love birds na mula pagsakay hanggang bumaba, wala ng ibang ginawa kundi magtukaan ng magtukaan. anu? walang pang-motmot? walang balur? hindi makapag-hintay? charms! (vitress talaga? hahaha)
5. GENTLE BAX - mga kapanalig 'wag 'nyong isipin na itinataas ko lamang ang bandila ng mga badet ngunit ito ay pawang katotohanan lamang at base sa obserbasyon ng karamihan. mapa-paminta man or mga badet na isang linggong naka-marinate sa downy with passion sa sobrang lambot, buong fuso nilang ino-offer ang kanilang upuan sa mga matatanda at kababaihan na ngawit na ngawit na mula sa pagkakatayo sa tren. mas lalaki pa silang maituturing sa mga naturingang istreyt guys na nagtutulug tulugan habang biyahe at dermalin kahit nagmumura na ang ugat ng mga kababaihan mula sa pagkakatayo sa mainit at siksikang tren. kaya sa mga gentle bax, saludo ako sa inyo mga marse!!!
6. TEXTMOSA - opo, ate charo! kahit saan yata may textmosa. tradisyon na yata 'yan ng karamihan sa'ten. may suggestion ang inyong lingkod para maloka ang mga textmosa na mae-encounter 'nyo. magkunwaring hindi kayo aware na binabasa nila ang tina-type mo sa selpown. magpanggap na may ite-text kang prendsyip at i-type itu, " futa! ang chakilou ng katabi ko. chuckie na nga, tsismosa pa." at saka mo i-send kong kanino man o kaya sa sarili mong no. (siguraduhing may load ang sim at baka biglang ma-sight ng textmosa ang phrase na "check operator keme" t ikaw pa ang lalong mapapahiya). ewan ko lang kung hindi umikot ang ulo ng mga loka ng 360 degrees 'pag nabasa nila ang ni-type mo.
7. SALAMPAK BOYS - plangak na plangak ang mga hayuf na 'yan! (ramdam 'nyo ba ang pag-iimbot ko? charms!) wiz ko lang knowsline kung naka-encounter 'nyo kahit isa man lang sa kanila. wala ring fuso at makasarili ang mga itwu. karamihan sa kanila ay mga constru na mukhang pagoda cold wave lotion mula sa trabaho at medyo malalanghap 'nyo ang kanilang aroma. ang kanilang peyborit spot? ang mga suluk sulok ng tren. sasalampak sila na tila mamahinga sa park at magtutulug tulugan ang mga hayuf. deadma sila kapag dumagsa ang mga tao sa mga susunod na station. dahil sa kanilang pagkakasalampak, halos pang 2 hanggang 3 tao ang ino-occupy nilang space na lalong nagpapasikip at hirap sa buhay ng mga kawawang pasahero ng tren.
8. POWER RANGERS - wit! wit! wit! ang sabi ng ibong marikit. witchels sila naka-costume ng blue, fokfok fink, yellow, green, magenta, indigo, fuchsia (tenkyu googlelandi para sa ispelling) or turquoise tapos eh havs ng powerful na espada, pana at kung aniz aniz na sandata. simple lang ang powers nila, ang napakatinding aroma na kayang magpabagsak ng daan daang pasahero ng tren. amoy hardworking talaga ang mga power rangers. pinaghirapan nila at pinagpawisang tunay ang hindi matatawarang aroma na manunuot sa ilong mo hanggang bawian ka ng buhay. at 'wag na 'wag kang magre-react at masyadong obvious na naamoy mo ang powers nila, baka samain ka sa kanila.

Saturday, August 9, 2014

P.I.O.L.O.

remember, Madame LV? sabay kami nag-lunch nung isang araw. may nai-chika lang ang donya sa'ken tungkol sa jowalina ng dating opismeyt namen na si Popoy. 

Nakakalungkot lang ang balita pero naniniwala pa rin ako sa himala. 

Isang matinding karamdaman ang dumapo sa kanya. Na-diagnosed na may cancer siya, stage 4 Epithelioid Hemangioendothelioma or EHE. Unang case ng EHE sa Pilipinas. 

Sana i-share po naten sa iba ito. 

Alam ko hindi ako popyulerrr at hindi ko rin naman hinahangad pero sa ilang makakabasa nito sana po tulungan po naten si Rav at i-share po naten ito sa iba. Hindi ko man siya kilala personally, sobrang naantig ang damdamin ko sa kuwento sa'ken ni Madame LV lalo pa't napahanga ako sa tapang niya at sa wagas na pag-iibigin nila ni Popoy. Sampung taon na sila, maaari pa sigurong tumagal pa ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng tulong at dasal naten.







http://www.gofundme.com/axmd8c


Rave for Rav! Laban Rav! Gow! Gow! Gow!

Saturday, August 2, 2014

bakla, bakla, paano ka kumuda?

guilty ako sa pagpuna at 'pag-husga (kung straight ba siya or badesa mae) sa mga otoks namamataan ko sa kalsada, sa tren, sa jeepestra, sa mall at kung saan saan pang pampublikong lugar. nate-test ang aking gay-dar kung accurate at reliable ba siya. minsan sinasarili ko ang aking hatol (alangan namang i-share ko sa mga wiz ko kakilalang nakatabi ko lang. charms! baka makrompal ako ng wala sa oras) pero syempre mas masaya kung may kasama kang sumusuri sa anyo at kilos ng mga otokong namataan within area of responsibility.

bakit ako nagpapaliwanag? gusto ko lang. charms! meron kasing isa na namang "matira mataray" scene  akong na-encounter sa tren. gusto ko lamang muling ipaalam na hindi po ako war freak. mahaba po ang fasensya ko mga kapanalig at sadyang malas lang ang nati-tiyempuhan ng toyo ko. charla!

ganito 'yan mga teh.

isang haggard na araw na naman ang aking sinapit sa trabaho. gaya ng ordinaryong araw mula sa opisina, isang matinding siksikan na naman ang sinapit ng mura at bubot kong shutawan sa tren para lang makauwi lang agad at makapag-byuri rest. parang ginahasa na naman ang hitsura ko ng sampung constru (pumila sila. isa kada isteysyen ng lrt. charito!) 4 na istasyon na lamang at malapit na akong bumaba kaya itinigil ko na ang pakikinig kay teh rihanna sa kanyang makabagbag damdaming "talk that talk" at shinonggal ang earphones mula sa tenga at nilagay sa bagelya ang ipod kumembolin.

narinig kong ako ang topic ng dalawang mag-prendsyip at nagtatalo sila kung ako ba ay may pusong mujer na nakakubli or isang tunay na otoks na hayok sa kipayla (eeeeeeeewwww! charms!)

prendsyip 1: girl, trust my gay-dar. hindi pa ako nagkamali. (ang futang jobese na beki, 'yung bulong niya super audible)

prendsyip 2: napaka-judgemental mo naman. baka marinig tayo. hihi (gaga! narinig ko talaga!)

prendsyip 1: saka look at his shirt. sige nga.


(heto ang suot kong shirt nung mga sandaling 'yun mga kalakwatsa..)




prendsyip 2: oo nga. may glitters. hihi (inggitera ang gaga! char! may poot lang?)

hindi ko na napigilan ang sarili ko. kelangan ko ng pumalag.

nyora: excuse me? masyadong audible ang boses 'nyo para hindi ko marinig. anu'ng problema?

na-shock ang dalawang bruha.

nyora: bakla nga ako. hindi ko tinatanggi. eh ikaw? (sabay turo kay prendsyip 1) bakla ka rin di ba? jobese ka. pinansin ko ba?

natensyon ang mga nakarinig.

mabuti na lamang at pababa na ako. isa na namang ka-cheap-an ang aking pinatulan.

hindi ko na naipaglaban ang mensahe ng aking damit, nawala ang aking ningning dahil sa ginawa kong pagkuda at ako'y tuluyang nalunod sa pawis.


VERIFY

natuwa lang ako masyado sa retratong ito. hahaha..


paalala: 'wag agad-agad mag-repost ng mga balitang nabasa lamang sa facebook at twitter.







(ang larawang ito ay ninenok ko mula kay @VGfau mula sa twitteria)



pasensya na mga kapanalig! ang babaw ng kaligayahan ko. 





Wednesday, July 30, 2014

The Momi




plunge na plunge sa banga ang mga terms of endearment kapag may jowalina ka. siyempre hindi kame magpapahuli ni (ex)joypren 'jan. kaya lang naloka ang byuri ko sa gusto niyang itawag sa'ken. ganitiz yan... (text message ang mga itez ha)

(ex)joypren: nyora, tuloy ba tayo bukas sa mega mall?


nyora: oo. basta napag-usapan na, sure na yun! unless magtext ako na hindi pwede, ite-text ko naman agad.


(ex)joypren: ah ok. i miss u, MOMI ko! yun na lang ang itatawag ko sa'yo ha. i love u, mi!


(tumambling muna ako ng bente times bago naka-recover at nakapagreply)


nyora: ok lang naman. hehe.. sure ka na ba na 'yan ang gusto mo itawag sa'ken? (medyo shocked pa ang bruha)


(ex)joypren: oo mi. ayaw mo ba? :( sige isip na lang ako ng iba.


nyora: hindi. ok lang naman. sige yun na ang tawag mo sa'ken. so dadi ang tawag ko sa'yo? (nyeta! hindi ko feel. charms!)


(ex)joypren: opo mi. love u mi!


nyora: love din kita di! mwah!

kahit may babaitang nakakulong sa pagkatao ko, medyo hindi ko bet ang "momi" kasi parang ang chuckielou blanco kung tawagin niya akong momi sa gitna ng maraming fifol op da pilipins kung sakaling nasa mall man kame or any public place. pero dahil hindi ko mahindian si joypren, go for the gold pa rin ako sa "momi". pero mas madalas yung shortcut lang ang giinagamit niya kapag tinatawag niya ako or kinakausap. kinikilig ang pechay ko everytime maririnig ko yun. may pagkibot ng beri beri layt ang imaginary pachuchay.

hindi talaga sweet sa totoong buhay si (ex)joypren. saksakan ng sungit! super moody. mashoray. imbudo lagi sa paligid at sa sanlibutan. pero keriboom ko namang i-handle ang toyo niya. kumbaga, knowsung ko na ang timpla niya. ganun na siya nung nakilala ko siya at tuluyang nainlab sa kanya. kaya iniitindi ko na lang kapag sinusumpong ng kashorayan at kamalditahan ang lolo 'nyo. kung aartehan ko rin siya at tatapatan ko ang kanyang kasungitan, matinding showdown ang eksena namen. world war 3 itiz!

kaya nga kahit momi, amelia, chenelyn, victoria, sugar, chizkeyk, hamgerger, sundae, pande 
coco, pande regla, nata de coco or kahit aniz pa ang bet niyang itawag sa'ken, keribambam lang. para sa'ken, sapat na yun at napaka-sweet upang maglaan ng kaunting sandaling upang pag-isipan yun at marinig mula sa kanya ang salitang mula sa kanyang fuso na tunay namang tumagos sa aking fihikan at nag-iinarteng heartness. 

kabog sina ate klaw klaw at rico yan (RIP) bilang via at gabriel divah? charms!

(in-edit at ni-repost mula sa aking namayapang blogelya)

Monday, July 14, 2014

fork


gutom. bet ko kumain ng fried noodles.






KUYA: uy! 'sir! (oh di ba? close kame ni kuya. SUKIyaki ako ng paninda nila)



NYORA: kuya dalawang order (habang nag-iisip kung pork or beef ang siomai na ipalalagay)

maya maya pa.



KUYA: 'sir, FORK?



NYORA: chopsticks po. kumuha na 'ko.



KUYA: 'yung siomai, 'sir. FORK po ba?



NYORA: sige po. tapos 'yung sa isa VEEF.



KUYA: okay po.





oh divah! nagkaintindihan kame.

overheard

hambilis ng jeepney spears. pramis! makalaglag fallopian tube.

ATENG: grabe si manong. nini-nerbiyos ako. sobrang bilis naman.

KOYA: hahaha.. astig nga eh.

ATENG: naalala ko tuloy yung palabas ni Kris Aquino. 'yung pungsoy (feng shui). di ba 'yung kaibigan niya saka mga anak, namatay sa aksidente. nabunggo yata 'yung sasakyan. baka magaya tayo dun. ambilis din nung kasabay nateng sasakyan.

KOYA: huh?????

nilingon ko ang tanging sasakyan na kasabay namen nagpapabilisan. isang sasakyang punung puno ng sibuyas. 'yung totoo???? YEAR OF THE ONION ka teh? i need an explanation! agad agad!

nyoldap

around 3 am along avenida. habang hihikab hikab pa ang lola 'nyo at nakayakap sa bakal sa gilid ng estribo ng jeepney spears, dalawang chakang otoko ang sumakay. tumabi sa'ken ang isa. pagdating sa sumunod na kanto, may sumakay pang isang lulurki, mas chaka. mukha silang holdapers pero dermalin lang ang beauty ko dahil sa antok. walang pang isang minuto ay nag-deklara na PALA sila ng HOLD UP.

chaka 1: (ginegetlak na pala ang mga nyelpown at walley ng mga kasabay ko sa jeepstra)

chaka 2: keme keme kumembolin. eklabam kimberly umeklavich (char! mahina ang the voice of the philippines ng swanget na kawatan at wiz kalifa ko maintindihan)

nyora: excuse me? (syet! nakuha ko pang mag-inar-ar.)

chaka 2: T*NG INA KA! AKIN NA 'YANG BAG MO! (sabay diin ng patalim sa aking tagilirin na kanina pa pala nakatutok sa'ken.

nyora: kuya, kalma lang! oh 'yan. sa'yo na. (sabay abot ng bagabelles)

napansin ng chaka 2 na nakalawit sa bulsa ng polo ko ang headset.

chaka 2: akin na 'yang selpown mo!

nyora: nasa loob po ng bagelya.

chaka 2: AKIN NA 'YAN! T*NG INA! (sabay turo sa bulsa ng polo)

nyora: hindi naman 'to cellphone eh. (sabay abot ng ipod shuffle at headset)

nang makuha na nilang lahat ng kailangan nila, umeskapo sila agad agad sakay ng kuliglig na kanina pa pala nakasunod sa sinasakyan nameng jeepestra.

shocked kameng apat na pasahero. yung iba kong kasabay hindi makapagsalita. ako naman, panay ang hikbi at dire-diretso ang tulo ng luha (hindi ako makapag-walling gaya ng forte ni teh juday. mahirap mag-walling sa jeep mga teh.) para akong rape victim kung makapag-inarte. mabuti na lang at hindi kame sinaktan ng mga hayuf na 'yun. mabait pa rin si Papa Bro. buong buo pa rin ako, walang sugat at hindi nadungisan. naisalba pa rin ang aking puri at dangal. char!

(sa mga holdaper na 'yun. kinginanyez! may araw rin kayo!)

Thursday, May 29, 2014

Nyora vs. Bruha


payapang binabagtas ng bus na aking sinasakyan ang kahabaan ng buendia. nakaupo akosa kaliwang bahagi ng bus na pang-tatluhan. may babaylan sa aking side at may espasyo sa pagitan namin. huminto ang bus sa pasong tamo at nagsakay ng mga pasahero. isang babaylan nasa pagitan ng 30-40 ang tumayo sa aking gilid. naka-shades pa ang bruha habang bitbit ag dugyot niyang bagelya at nanggigitata niyang umbrella ella ella eh eh eh. tumagilid ako upang makapasok siya at makaupo sa gitna ngunit bigla niyang sinabing,


BRUHA: umusog ka kaya!


nagulantang si Nyora at sumagot with poise,


NYORA: ikaw ang pumasok, madame. kararating mo lang. 'wag mo akong artehan.


naloka lang siya sa kanyang narinig. umupo siya sa gitna. gamit ang aking peripheral vision, alam kong nakatingin siya sa'kin. kahit na hindi ko nasa-sightsung ang kanyang mga mata, alam kong matalim ang kanyang mga titig. may galit. may poot. puno ng pag-iimbot. hindi ko nakayanan kaya tiningnan ko rin siya, may smirk pang kakabit sabay irap.


BRUHA: kung ayaw mong nasisiksik, mag-taxi ka!!! (halos maputol ang litid ng impakta) anu'ng problema mo?


NYORA: ako, wala. ikaw mukhang meron (sabay smirk ulit)


at nagsimula nang mag-ingay ang impaktitang palengkera. kung aniz aniz ang lumalabas sa kanyang makasalanang veveklavush (bibig teh). si Nyora, deadma. ang bruha, tuloy lang. naisip ko kasi ang mga katagang iniwan sa akin ng isang kaibigan.

"ANG KAAWAY AY PARANG JOWALINA (JOWA) LANG, PILIIN ANG PAPATULAN"

kaya ako nagdesisyong witchels ko na lang siyang pansinin. ngunit dahil wala pa rin akong nyelpown or music player na maaari man lang magamit (dahil nga ninenok ng mga hayuf na holdapers) ng mga monyument na 'yun, wala akong choice kundi tiisin ang bunganga ng bruha. ngunit napatunayan ko na ang pasensya ay may hangganan. tiningnan ko ng masama ang bruha at sinabing,

NYORA: hindi ako pumapatol sa gaya mo pero pagbibigyan kita. mukhang araw mo ngayon.


BRUHA: ka-lalaki mong tao pumapatol ka sa babae (at ako pa talaga ang pumatol ha? duh.) siguro hindi ka talaga lalaki. siguro nga. 


NYORA: hindi nga! bakla ako. 


BRUHA: kaya naman pala. (sabay ngisi pa ang gaga)


NYORA: ikaw siguro hindi ka babae. sa'ting dalawa ikaw ang mas mukhang bakla.


natigilan ang bruha sa kanyang narinig. dinugtungan ko pa.


NYORA: sana man lang inayos-ayos mo 'yang ugali mo para ma-compensate man lang 'yang pagmumukha mo. 'yung mukha mo directly proportional sa ugali mo. parehong chaka!


alert ang mga sho-o-belles sa bus. ang mga hayuf parang pinanunuod sina Nicole at Monica ng The Legal wife. sabik na sabik sila sa mga palitan ng linya.


BRUHA: wow! ang ganda mo ha!


NYORA: thank you! (smirk ulit. peyborit ko na tuloy 'yun.)


BRUHA: manalamin ka muna uy! (ang korni, may "uy" pa sa dulo ang gaga)


NYORA: sure! (inilabas ko ang two-side mirror ko mula sa aking bagelya at nag-ayos ng hereret) tama ka teh! ang ganda ko nga. gusto mo makita fes mo?


BRUHA: wow ha! kape kape ka rin uy! (ka-imbiyerna talaga ang "uy" ng bruha. sarap bigwasan!)


NYORA: ikaw ang kelangan nerbiyusin teh.


BRUHA: talaga lang ha! blah. blah. blah.


siguro sapat na ang ilang minutong inilaan ko sa bruhildang 'yun para ipaalam sa kanya na nakahanap siya ng katapat. hindi ko na inintindi lahat ng sumunod niyang kinuda. napagod din naman ang bruha. ngunit napansin niya yatang malapit na akong bumaba nang sinukbit ko na ang aking bagelya. kaya naman ako na mismo ang nag- aylabyu gudbye sa kanya,


NYORA: bye teh! mami-miss kita.


ngumisi lang ang gaga.


NYORA: payo ko sa'yo, wag mo na suot 'yang shades mo next time ha. mas bagay sa'yo ang maskara.


BRUHA: bakla! (may pahabol pa ha!)


NYORA: thanks! mukhang bakla!


ako pa ba ang magpapakabog????? wit wit wit! ang sabi ng ibong marikit!

Thursday, May 22, 2014

Madame LV

elegant. sophisticated. glamourous. witchikels maabot ng mga karaniwang nilalang. ganyan ko mailalarawan si Madame LV. elite. char lang mga badesa mae. 'yan pala ang mga salitang betchikola naming ma-achieve ni madame (onting pagmamaganda na lang maiuugnay na talaga sa aming byuri ang mga salitang 'yan. extra chos!)

halos anim na taon na ang nakalipas mula ng aking makilala si Madame LV sa aming shala shalahan kunong kumpanya. ang shutawan niya ay kawangis ng mga muher na kadalasan nating nakikita sa mga runway, pang-mowdel ang body ng babaylan divah? although hindi siya ganun katangkad (hindi tulad ni Nyora, the ultimate pakangkang divah, na nakikipagsabayan sa height ni Miss Melanie Marquez. charla!), keri pa rin naman at angkop lang sa kanyang borta. ma-chika siya, ma-chika na may sense. meron kasing mga sho-obelles (tao) na more more chika, witchels namang saysay ang mga lumalabas sa bebeklavush (bibig). sa madaling salita non-sense. smart si Madame LV. mahilig sa lahat ng uri ng arts. isa rin siyang bookworm. mahilig mag-travel ang lola 'nyo. relihiyosa rin siya ngunit not your typical manang na with belo tuwing uma-attend ng mass. lalabanan ka niya suot ang kanyang mini skirtypops na parang si julia baretto aka mirabella (flores? charmoist!)

marami kaming similarities ni Madame LV, bukod sa natatanging byuri at hindi matatawarang alindog, pareho kaming kapamilya, kapamilya stars. check republique ka 'jan, Ate Charo. pareho kaming contract stars ng kapamilya network. char lang! ang betchikola kong sabihin ay pareho kameng makapamilya at kahit na sa aming edad (pa-sweet 16 si Madame LV at ako naman ay katorse lamang. char!) ay hindi pa rin namin naiisip na bumukod dahil alam naming kailangan pa rin ng aming kani kaniyang pamilya ang suporta. 

pareho kaming lumaki sa isang pamilyang pinagkaitan ng karangyaan (although ka-level namin ng ganda si Diana at Kate kaya wiz halata. char!) at nangarap na balang araw ay maiaahon ang pamilyang nasadlak sa putikan (exagg? chariz lamang!). ang kwento ni madame ay wiz na bago sa pandinig ko. knowsline ko ang kanyang mga pinagdaanan. nagsumikap ang lola 'nyo na makatapos ng kolehiyo upang makahanap ng winner na trabaho. 

dahil sa sipag at tiyaga ni Madame LV naka-getlak na rin siya ng balur somewhere in south at doon nakatira ang kanyang mga shupatembang, shumangkin at mudrabelles. opkors tumutulong rin siya sa mga pagbayad ng mga bills, bills, bills nila sa balur pati rin sa pagpapaaral sa kanyang mga shumangkin. bukod pa 'jan, mahilig din siyang umeksena sa mga charity kumembular kung saan nabuo niya ang "little ways". iba ibang grupo na ang ang nahandugan ng tulong ng kanyang "little warriors", mga simpleng bagay na makakatulong para sa pang araw araw na pangangailangan nila. hangtaray lang ni Madame LV davah? Princess Diana lang ang peg?

hindi ko naman masyadong pinagpupurihan si Madame LV dahil kaibigan ko siya, tunay naman kasing byuriful siya inside and out (like me? ayaw patalbos? char!) ngunit sa kabila ng kanyang mga nakamit na tagumpay sa life (hangtaray davah? parang bortista lang na nasa peak ng bonggels na career), may mga araw na nakakaramdam ng lungkot si Madame LV. sa kanyang edad na... 16 (chariz lamang!), mayroon siyang isang lihim (lihim nga ba ito?) isa siyang birhen. puro. dalisay. busilak. never been kissed, never been touched. NBSB, no boyfriend since birth. may mga oras na nakakaramdam siya ng emptiness (emptiness daw oh?), may pagtatanong sa kanyang sarili kung kailan darating  ang right guy (baka left ang darating madame?). may shokot na tumandang dalaga at hindi man lang naranasang masaktan dulot ng pag-ibig (masaktan ang puso at ang .... char! hahaha.. peace tayo, madame!)

knowsline ko namang ready na siya sumubok (sa fag-ivig ha!) at mukhang handa na rin naman siya sa mga bagay na maaaring idulot nito sa kanya. siguro more more patience lang talaga ang kailangan niya dahil I truly believe (parang Miss Universe lang?) na may nilaan talaga para sa kanya si Papa Bro na tunay na magmamahal sa kanya at magpapakulay sa kanyang buhay at magpaparanas sa kanya ng mga bagay na nararapat na tinatamasa ng isang tunay na babaylan.

kaya naman kay Mr. Right, utang na loob!!! 'wag mo ng paabutin ng kwarenta or singkwenta anyos si Madame LV! nananabik na siyang makilala ka! 'wag kang umano 'jan! aarte ka pa ba kay Madame? juice ko! hindi ka na lugi 'jan no! kaya ano pang hinihintay mo? sakay na! char! 

Madame LV, manalig tayo. parating na si Mr. Right, medyo naligaw lang siya ng landas (knowsline mo na ang ibig kong sabihin). bitbit niya ang mapa, tatahakin niya rin ang tamang landas papunta sa fuso mong fihikan.

Tuesday, May 13, 2014

langit, lupa, impiyerno. im, im, imbierna!

puno ng ng pangamba ang aking puso. may takot na namumuo sa mga sandaling 'yun. lalabas akong muli at haharap sa kanya, siya ang matindi kong kalaban sa ganitong oras, si sunshine. 

hindi pa achieve na achieve ang aking goal na tuluyan na akong lubayan ng malabatis kong kili kili. may ilang linggo ko na ring sinusubukan ang newly discovered kong Driclor (strong anti-perspirant). inferlu, sobrang laki ng pagbabago simula nung ginamit ko siya although may mga araw na hindi talaga maiwasan ang pagdanak ng pawis dahil na rin sa tindi ng init lalo na't summer. hindi ko na kailangang tapalan ng tissue (courtesy of pantry) ang magkabilang kylie ko at hindi ko na rin itutuloy ang balak ko na subukan ang charmee or whisper cottony clean ('yung walang wings ha. char!) para lang buong laya kong naitataas ang aking arms na na walang pagaalinlangan na baka bakat na bakat ang wetness indicator sa suot kong damit. 90% pa naman ng kulay ng mga damit ko, puro matitingkad ang kulay. feeling ko kasi isa akong peacock. char!

nung araw na 'yun, fokfok fink ang suot ko. ang ganda ganda ko raw kasi sa fink (feeling ko inuuto lang ako nung mga nagsasabing ka-opisina ko, feel na feel naman ng gaga kaya panay fink ang suot. haha). tumambad sa akin ang matinding init ni sunshine, parang puno ng pag-iimbot sa akin ang bruha, tirik na tirik. parang susunugin ang aking alagang silka papaya soap at nivea whitening kumembulin na skin. pero hindi 'yun ang aking major (as in major, major. hi teh venus raj raj rah ah ah, roma ro ma ma. gaga, king ina. char!) concern kundi ang aking kylie. Mariah Scarey talaga, Ate Charo. hindi ako handa sa mga tingin na may pangungutya mula sa mga madalang pipol sa labas sakaling makita nila na basa ang aking kylie. baka sabihan pa nila akong malakas ang loob na magsuot ng ganung kulay, Baskil Valdez naman pala ako. nooooooooooooooooo!!!

pero hindi naging mapait ang tadhana ko nung araw na 'yun. pagdating ko sa sakayan ng bus, kaagad akong nakasakay ng walang kahirap hirap. winona ryder talaga! winerva rin 'yung bus na nasakyan ko, hanglamig. parang nag-import pa sila ng yelo mula sa north pole. hindi katulad ng ibang bus na parang apoy ang inilalabas ng aircon at nakukuha pa ni manong driver na punuin ang bus na parang spanish style sardines ang mga pasahero. mabuti sana kung kalamigan ang loob ng bus (daming issue? hahaha).

matiwasay akong nakababa ng bus at syempre walang kamatayang runway walk na naman ang eksena ko patungong lrt isteysyen. may I open ako ng akong umbrella ella ella eh eh eh na kulay turquiose (yiz! chrewlilibambam, mga kapamilya. turquoise po ang kulay niya. at kay Katya siya nanggaling) ilang sandali pa ang naghiyawan ang mga tao sa aking pagdating sa lrt. char! ang saya ko lang dahil walang pila. kaya pala walang pila dahil halos lahat ng tao nasa loob na yata ng istatsyon. nyeta. kaloka. parang ito na yata ang magiging mitsa ng pagluha ng aking kili kili.

unti unti pang naipon ang mga tao dahil ilang tren na ang dumaan na puno ng pasahero at may dalawang skip train pa ang nag-hello lang sa'men. ito na yata ang sinasabi nilang impiyerno. mainit. maraming tao. maraming chaka. char! maraming ma-kyoho.

finally, dumating na ang pinakaaasam kong tren. ang sabi ko sa sarili, sasakay na ako kahit anu'ng mangyari. hindi ko na kakayanin pa 'pag nagtagal pa ako sa kinatatayuan ko. baka mag-collapse na ang beauty ko. wala pa namang gwapong lulurki ang pwedeng sumalo sa'ken at sagipin ang aking buhay sa papamagitan ng bonggang bonggang cpr. char!

syeeeet! ayan na! at siksikan nga ang mga masa. char! pinilit kong makapasok sa kagustuhan kong makauwi na upang  makapagpahinga at makapaligo. ini-imagine ko na magbababad ako sa bath tub na punung puno ng milk with rose petals habang  sumisingaru ako ng "like a touch from a rose" ni teh anne curtis gaya ng sa commercial niya. at kung susuwertihin ka nga naman, kung kelan bugbog init sa tag-init, 'yung sira pa ang aircon ang nasakyan ko. nakakalurks! sarap tadyakan nung bangs nung babaeng katabi ko. char! kulang na lang ay ilabas ko ang rosaryo sa aking bagelya at pipiliin ko na lamang taimtim na manalangin at baka sakaling magkaroon ng himala at umihip ang napakalakas at napakalamig na hangin mula sa aircon ng bulok na tren. pero wit wit wit!, ang sabi ng ibong tiririt! mortal sin ang paggalaw ng anumang parte ng shutawan mo sa loob ng tren. exagg talaga ang siksikan. wala ng ring silbi ang mga safety handrails sa loob dahil kahit mag-ala-rollercoaster ang lrt, hinding hindi ka tutumba sa sobrang siksik. 

amoy sunshine, amoy sinigang na kylie, amoy imburnal na hininga at kung anu ano pang hindi masyang amoy pa ang naghalu halo sa loob. idagdag mo pa ang tumatagaktak na pawis ng mga pasahero dahil sa matinding init at mga chakang constru (kasi ba naman andami nila lagi eh. may issue? char!), impiyerno davah? yun lang talaga ang naisip ko. saktong sakto, meron pang dalawang demonyitang muher ang daldalan ng daldalan na animo'y kakatapos lang nila magkutuhan at nagti-tsismisan tungkol sa mga naliligaw "daw" sa kanila. mga ambisyosa! (may issue rin? chos!)

mabait pa rin talaga si Papa Bro at nalampasan ko ang delubyong dinanas ko. natakot kasi ako na baka magkaroon pa ng technical error kumembolin ang tren at ma-stuck pa kame doon ng mahabang oras. kung nagkataon baka hindi ko na kayanin ang mga susunod na pangyayari at baka biglang pindutin ko ang emergency button at tumalon na lamang ako mula sa riles para wakasan ang makulay kong buhay. char! (masama 'yun ha! 'wag gagawin 'yun!)

para akong ginahasa ng isang batalyong demonyo ng makasakay ako ng jeepney spears patungo sa aming balur. pero naisip ko, ilang minuto na lamang at makakapagpahinga na rin ang nalaspag kong ganda. char!
habang pinupuno ng pasahero ang jeepestra, sumakay si lola manang at umupo sa katabi ko. maya maya pa'y may inilabas sa kanyang mahiwagang bagelya na mga papel at isa isang iniabot sa mga naghihintay na pasahero. naisip ko, baka manghihingi ng abuloy 'to. dinedma ko kasi ang nakasulat sa papel. napansin kong binabasa ng mga pasahero ang nakasulat sa papel maliban sa'ken at ako'y na-curious. tiningnan ko ang nakasulat, may kahabaan. tiningnan ko si lola manang at tinanong, 

AKO: para saan po 'to 'la?

LOLA: basahin mo! salita ng Diyos. iaalis ka niyan sa IMPIYERNO.

at ako'y natigilan. syet lang. mukha ba akong KAMPON NG KADILIMAN? imbierna! sa kabilang banda, naalala kong muli ang sinapit ko sa tren at naisip kong, basahin siya lagi tuwing sasakay ako ng tren. dahil ang tren na 'yun ang impiyerno. char!

Monday, March 10, 2014

MGA URI NG PASSENGER SEAT SA JEEPNEY SPEARS



1. dermalin plus - sila 'yung walang paki. na-master ang art of deadmatology. may nagsasaksakan sa tabi niya, derm! nahablutan ng bagelya 'yung katabi niya, derm! ini-snatch 'yung kwintas nung katabi niya (tapos nashonggal 'yung ulo at tumalsik sa kanya. char! morbid?), derm! nagpa-panic ang lahat ng pasahero sa jeppelya dahil sa lindol, derm! dermalin talaga ang lola mo. siguro 'pag may kumalabit sa kanya at napansin na sinaksak na pala sa tagiliran ang gaga, baka irapan ka pa n'yan sabay flip ng hair. divah? hindi sila meldy (maldita), sadyang na-power lang nila ang art of deadmatology.

2. Praninger-Z - iwasang dumikit sa kanila. hangga't maari dumistansiya ng mahigit isang dipa kung may kaluwagan sa jeepestra. maloloka ka sa eksena nila once dumampi kahit ang isang strand ng hereret mo lalo na kung katulad ko na may long, silky, smooth and manageable have a great hereret day. sila 'yung akala mo may bitbit na gold bars at diamente sa loob ng bagelya. feeling nila sila si sarah crewe (sarah ang munting bitchesa. char!), tatay nila si captain crewe na may minahan ng diamante at iniwan sila sa isang dormitoryo sa Inglatera na pinamumunuan ng bitchesang si Miss Minchin kung saan kaklase niya ang mas bitchesang si Lavinia na ubod ng inggitera at napaka intrimitida (nagkwento? haha.) mabalik tayo sa mga praninger-Z. feeling nila lahat ng tao sa paligid nila ay may balak na getlakin ang kanilang nyelpown, alahas, bagelya o kung anumang mga importante at mamahaling bagay na bitbit nila. eh kung hindi ba naman gaga 'yang mga 'yan, dadala dala ng mamahaling bagay tapos sa jeepney spears lang sasakay, tapos lahat ng tatabi sa kanila akala nila eh mandurukot. at 'wag ka, may dalawang uri 'yan. may mga discreet at may mga buong laya nilang ine-express ang kanilang nararamdaman sa katabi nila sa pamamagitan ng pag-iwas, pagtingin ng masama na tila tila sinasabing "magnanakaw ka no?" at mahigpit na pagyakap sa kanilang bagelya na kung tutuusin naman eh mukhang murayta pa sa secosana. kairita divah?

3. laila chikadora - madalas grupo ang mga laila. syempre, wiz ka naman sigurong chi-chika all by yourself. monologue lang ang drama mo nun. sila 'yung parang nirentahan nila ang buong jeepelya kung makapag-chikahan. at ang boses ng mga itu parang 85 decibels ang level sa lakas. kung magtawanan ang mga 'yan akala mo nasa sala ng baler lang sila nagchi-chikahan. may padyak padyak pa ang mga hitad kapag tawang tawa sila sa pinag-uusapan nila. eto pa! minsan dermalin pa sila kahit ang topic nila tungkol sa erna, jugjugan, maliit na notches ni ganitez, malaking betty log belmonte station ni ganitembang at kung anu ano pang kahalayan at kababuyang topic na walang pakundangan sa mga tulad kong malinis at dalisay ang budhi. chos!

4. bukaka boys - self explanatory na 'yan mga teh! sila 'yung akala mo pinagpala at nabiyayaan ng dambuhalang yagbols kung makabukaka. kung makaupo sa jeepestra pang dalawang tao dahil sa bonggang bonggang bonggambilyang bukaka na talo pa ang manganganak. walang fuso ang mga hayuf na 'yan (may pinaghuhugutan?). sadyang insensitive sila sa kanilang paligid. hindi sila matitinag sa pagkakabukaka kesyo yung katabi nila eh upong pang 4 pesos na pamasahe lang or yung katabi nila eh nagpapanggap na lang na nakaupo para hindi mapahiya at masabi lang na nagawa niyang makasingit sa bukaka boys. at wag ka! pag nilinyahan mo sila ng "ser, pausog naman pong konti" o "ser, pwede 'wag pong masyadong nakabukaka para magkasya tay", lagot ka teh! ikaw pa ang tatarayan ng mga 'yan at re-reply-an ka ng "masikip talaga" o "eh bakit sumakay ka pa nakita mong punu na." hodevah? fowerful! ikaw pa ngayon ang may kasalanan.

5. meldy marcos - well, well, well. ilan sa kanila ay pretty pero karamihan sa kanila ay feeling pretty kahit mukhang dragon. akala siguro ng mga loka, nakagaganda ang pagmamaldita kaya ginawa na nilang tradisyon itu sa tuwing sasakay sila sa jeepelya. isa sa mga palatandaan na belong sa group na itu ay ang kanilang signature na pag-roll eyes. kahit saang side, keri nila. at 'wag na 'wag mong subukang makisuyo sa kanila na iabot ang bayad kay manong driver dahil isang matinding irap lang ang isasagot nila sa'yo. 'pag sinuwerte ka pa, titigan niya lang ang baryables mo habang ngawit na ngawit ka na na abutin niya ang bayad mo at hahayaan ka niyang mamatay sa ngawit. ganun sila kaantipatika. sarap saktan divah? char.

6. textmosa - hinding hindi ako belong sa group na itu. hindi ako guilty. char. siguraduhin mong peripheral vision mo lang gagamitin mo para ma-julie yap mo ang mga textmosa. karamihan sa kanila, mejo palihim makibasa sa telepono ng iba. pero ang ilan sa kanila (kasama ba talaga ako??? char.) best in reading talaga. walang halo ng pag-aalinlangan kesehodang tinititigan na sila ng may-ari ng telepono. at sorry kayo, may pailing iling pa ng head ang iba kapag mejo sad at hindi kagandahan ang mensaheng kanilang nabasa at todo smile ang mga gaga kapag puro kalandian naman ang tina-type ng may-ari ng nyelpown. kaya mag-ingat sa'ming mga textmosa. i mean sa kanila. char!

7. sleeping beauty - hindi sila si Princess Aurora na tinusok ng kanyang inggiterang madrasta ng karayom para mag-ecclipanny (matulog) forever and ever gotesco at we-wake up lamang when september ends kapag ni-lipstulelak na siya ng kanyang prince charming na badinger-z pala (gumawa ng issue? char.) isipin na lang naten na pagoda tragedy lang mga lola 'nyo kaya hindi na nila nagawa pang lumaban sa buhay at tuluyan ng nilamon ng antok sa kabila ng maingay na kapaligiran at ng panay na malakas na preno ni manong jeepney spears driver na parang nagpagawa lang sa recto ng driver's license para makapasada.

8. to follow... (bigyan naten ng chance ang neurons ko) hihihi..

Mall Tour: Matira Mataray

day off ni inday. so rampa ang lola mo sa pinakamalapit na mall mula sa balur. at dahil nakisuyo ang mudra ko na bayaran ang telephone bill na may branch sa isang cheapipany na mall na malapit din sa amin. mall tour ang drama ko. 

walk, walk fashion baby ang lola mo hanggang sa sakayan ng jeepney spears habang suot ang gray shirt, fokfok fink shorts at blue runners. makulay ang buhay sa sinabawang pechay lang divah? at dahil limited edition ang jeepney spears, pinatos ko na ang tricycle. back ride ang lola mo habang exposed na exposed kay sunshine ang aking mahahaba at mabubuhok na legs na pinagpi-piyestahan ng mga manong na nakasakay sa truck. char!

may fearless forecast ang badesa pagbaba ko ng tryke, ramdam kong puputok ang wetness indicator ng kylie (kilikili) ko kapag sumakay ako ng jeepney spears hanggang sa cheapipany na mall kaya the climb by miley cyrus agad ako sa lrt station kahit isang istasyon lang naman ang pagitan. deadma na sa 4 pesos na difference kung mag-jeepelya ako, 'wag lang ngumalngal ang kylie ko.

after few pa-sweet minutes, nag-slide ang beauty ko pababa at walk with faith ulit hanggang marating ko ang unang destinasyon. pagdating ko, ang sabi ng glass door sa'ken ay "OFF LINE". ganern??? ATM??? offline talaga. bumungad ang guardenia sa'ken at ang sabi

"hi, ganda. balik na lang po kayo."

char!

"ser, pasensya na po. balik na lang po kayo." ang totoong sabi ni koya guardenia.

so fly na agad ako papunta sa isang mall kung saan naghihintay ang libu libong fans. choz! walk with faith na naman ang bakla papuntang lrt isteysyen habang panay ang kaway kaliwa't kanan while doing may signature runway walk. extra choz!

finally, narating ko na ang tunay kong pakay. inuna kong hanapin ang fabulosa pero pasok sa budgey na stilletos. char! na-achieve ko siya agad agad. nag-uunahan pa nga ang mga sales kembot na i-assist ang lola 'nyo. para akong si cinderella na pinipilihan ng mga prinsipe upang isukat ang sapatos na naiwan ko sa mga piging na aking in-attend-an. choz!

sumunod kong-ni-hunting ay mga medyas. biofresh ang bet ng badet bilang minsang naging makyoho ang aking paa matapos kong magbagong anyo mula sa pagiging sirena. char. achieved agad!

cologne naman. hindi ako choosy sa cologne.keri na yung eme eme lang tulad ng bambini at juicy. charot! wit ko kayang kering masabihan ng isang nagiinar-ar (nag-iinarte) na kolehiyala sa tren nung minsang may nag-spray ng cheapipany na cologne. heto ang mataray na ispluk ni ate.

"oh em gee! amoy tigti-thirty pesos na perfume. feeling siguro nung nag-spray, mabango."

dahil sa narinig kong linya ni ate, napa-tumbling talaga ako sabay split jump at nagpalakpakan ang mga utaw sa tren. hangtaray divah? kaya naman nag-promise ang lola habang naka-raise ang right hand at nakalapat sa bibliya ang kaliwang palad na never akong gagamit ng ganung cologne. char. pero cheapipany na cologne lang din naman sa oxygen ang binuysung ng bakla. hahaha.

walkathon naman ako sa isang store para gumetlak ng slippers. bilang isang tunay na dyosa, napagpasyahan kong furfle ang bilhin, size 10 at se ladies section ko kinuha. mujer na mujer divah? ang ispluk pa ni gwapong salesman sa'ken,

"para sa gf 'nyo po ba?"

"binili ko 'to para i-abot sa'yo at kunwari gift mo sa'ken."

char!

hahaha.

ang sabi ko talaga, "para sa'ken, ser. masakit kasi sa paa yung malaking strap sa panlalaki eh."

divah? nagdahilan pa ang gaga para lang mapasakamay ang furfle slippers. hahaha.

supermarket naman ang sunod kong tinungo. inuna ko ang mga lafyorts (lafang). dineadma ko ang mga tsokolate na maaaring makasira sa aking diet na lalapastangan sa mala-dyosang hubog ng aking shutawan. sinunod ko ang pampa-beauty package. whitening lowsyen, check! whitening sowp, check! deodorant, check! baby fowder, check! lip balm (lip BOMB ang tawag ko nung dalaginding pa ako. hihihi), check! wet tissue, check! check, check, check! check republique na ang lahat ng nasa list ko. 


walkalator na ang lola mo papunta sa isang doughnut store. syempre pa-wave wave pa ang bakla sa mga commoners na walkathon din sa paligid. pagdating sa store, bumungad kay koya ang nuknukan kong tamis na ngiti, mas matamis pa sa mga naka-display na donuts sa istante na hindi kakayaning lunukin ng mga diabetic at mga nagda-diet-diet-an na galit sa calories.

KOYA: hi ganda!

AKO: excuse me? paulit ulit na lang. pwedeng iba naman? pwede bang, hi pretty. hi miss alluring. hi miss exquisite. hi miss beguiling. 'yun ang ang mga naaangkop na adjective para sa isang simpleng dilag na tulad ko. char!

eto talaga.

KOYA: hi, ser! anu po senyo?

AKO: kapayapaan. ngayon din! (donut tinda 'nyo tapos anu betchikola ko? tonta! char. baka ang ibig niyang sabihin ay kung anung pleybor)

KOYA: hahaha.. (natawa siya. sarap sakatan ng futa. char.)

AKO: seryoso 'yun! char!

KOYA: ilan po sa inyo?

AKO: sampung kapayapaan. char!

KOYA: hahaha (wala siyang alam ibang i-reply kundi halakhak. sarap talaga bigwasan ng hayuf. extra chos.)

AKO: kuya, penge pong apat na box of 6. ikaw na bahala mamili ng flavor basta 'wag lang 'yung may lemon kumembolin. di ko bet 'yung lasa.

KOYA: penge? may bayad 'yun, ser (aba naman! at lumalaban ang pota. sumasagot ha. guso ko 'yan.)

AKO: eh di babayaran. pati ikaw! pagkasyahin mo sarili mo sa isang box. char! hahaha (kelangan may sweet tawa effect baka kasi maimbudo na siya ng tuluyan). magkano po?

KOYA: ***.00 thousand dollars (pesos lang mga teh)

AKO: cheapipany! heto ang gold bar. pengeng sukli. char! (iniabot ko ang limpak limpak na salapi. char. 1000 peso bill at ako'y kanyang sinuklian ng salapi at ngiti.)

matapos ang powerful mall tour napansin kong inuugat na ang insured kong legs dahil sa suot kong pares ng christian louboutin na madalas kong gamitin tuwing may fun run. char. napagdesisyunan ko ng lisanin ang mall at more more wave ulit sa mga utaw. to the left, to the left (everything you own in the box to the left. char.) tapos to the right, to the right naman.

nooooooooooooohhhh!

na-shock ang bakla sa haba ng pila sa boxi. wiz na keri ng beauty ko mag-waiting for tonight for another 50 golden years para lang makasakay ng boxi.

kahit marami akong bitbit, nakapagdesisyon na ako na si mareng jeepney spears na lamang ang tanging solusyon para makabalik ng mansyon. so again, walk, walk fashion baby hanggang marating ang sakayan. kelangan poised pa rin kahit maraming bitbit. kelangan poised pa rin kahit pawisan (anyway, i sweat glitters. char!) poised pa rin kahit nagmamaganda si sunshine at nilalabanan ang ipinahid kong nivea whitening serum with spf 22 sa aking skin.

hindi naman naging malupit ang tadhana at agad agad namang dumating si mareng jeepney spears na go-gora sa aking ruta. pumara ako habang naka-pose ng katulad ng kay diana zubiri na naka-2 piece swim shoot sa fly over para siguraduhing hihintuan ako ni manong driver. syet! epektib mga teh! try 'nyo din 'yung posing na 'yun minsan para makasakay agad. pramis. mag-uunahan ang mga jeepestra na halos magkarambola na para lang maging passenger seat nila kayo. pero siguraduhing powerful ang swim shoot na isusuot at dapat balingkinitan din like me otherwise baka sagasaan nila kayo at ma-headline kayo sa tiktik na may titulong, "chakang dragon na naka-swim shoot competition, nag-ala diana zubiri, na-hit and run. choogs to go (tsugi. tegibambam. shigik. shutay)

inilapag ko sa sahig ang aking mga napamili at ipinatong sa upuan katabi ko ang boxes ng donut. inilabas ang michael kors coin purse (char. tigsa-sampung pisong purse sa bangketa) at kumuha ng 100 dollar bill. char! beinte lang pala.

AKO: bayad po. dalawa po 'yan. sa macquarie street, sydney lang po. char!

sinuklian ako ni manong driver at nginitian. i'm sorry, manong pero wiz kita bet. char. ambisyosa lang.

napansin ko agad ang dalawang babaylan sa tapat ko. imposibleng hindi ko sila mapansin si jobese pempengco at si nita negrita (paalala: wala akong issue sa kyombels at kayumanggi). imposibleng hindi ko sila mapansin. pareho silang naka-fokfok fink. si jobese suot ang loose fokfok fink polo shirt na tinernuhan ng cargo shorts habang si nita naman feel na feel ang kanyang white tank top na pinatungan ng fink jacket at pinarisan ng fukelya shorts na kitang kita ang karimlan ng singit. feel na feel pa yata ng gaga ang outfit niya. pang-apat na tao ang sakop ng dalawang hitad. akala mo ang lalaki ng kipaylalu. super side-view pa si nita.

maya maya'y may sumakay pang babaylan. parang balak niya yata humiga sa gitna. puno na kasi sa jeep. tinitigan ako ng masama ni jobese. aang sagot ko? dermalin! irap with flip ng bangs. nagparinig si jobese.

JOBESE: pati kasi yung kahon pinapaupo eh.

AKO: (roll eyes at simultaneous ang pag-flip ng bangs at ngiti ni lavinia ng princess sarah ang munting bitchesa)

hindi na nakapagpigil ang gaga at tuluyan na niya akong kinumpronta.

JOBESE: nakita mo na ngang siksikan, ayaw mo pang alisin 'yang kahon sa tabi mo. (sabay turo sa kahon with mtching pandidilat pa ang bruhilda)

oo, ate charo. nagulat ako at nasaktan sa inasal ni jobese. kaya naman..

enter Celia Rodriguez... tila sumanib sa'ken si madame Celia Ridriguez. tinitigan ko siya ng matalim habang suot ko ang dark colored eye shadow ng walang kurap kurap kaya naaaninag niya ang shu uemura lashes ko (na kinailangan pang pumatay ng peacock para lang maging fab ang aking mga pilik mata) at sinabing,

AKO: hoy jobese pempengco! (yes, ate charo, sinabi ko talaga 'yun) sa payat kong 'to at sa liit ng mga kahon na'to, mas malaki pa 'yung espasyong ino-occupy 'nyo ng jowa mong baluga. kaya 'wag mo akong ma-taray tarayan!

JOBESE: bakit binayaran mo ba 'yan?

AKO: OO! dalawa ang ibinayad ko! ikaw? apat ba binayad mo? pang-apat ang space 'nyo.

at tuluyan ng nanahimik ang impaktita dahil na rin inawat na siya ni nita.

so ngayon, gusto niya pa kayang maglaro ng MATIRA MATARAY?