guilty ako sa pagpuna at 'pag-husga (kung straight ba siya or badesa mae) sa mga otoks namamataan ko sa kalsada, sa tren, sa jeepestra, sa mall at kung saan saan pang pampublikong lugar. nate-test ang aking gay-dar kung accurate at reliable ba siya. minsan sinasarili ko ang aking hatol (alangan namang i-share ko sa mga wiz ko kakilalang nakatabi ko lang. charms! baka makrompal ako ng wala sa oras) pero syempre mas masaya kung may kasama kang sumusuri sa anyo at kilos ng mga otokong namataan within area of responsibility.
bakit ako nagpapaliwanag? gusto ko lang. charms! meron kasing isa na namang "matira mataray" scene akong na-encounter sa tren. gusto ko lamang muling ipaalam na hindi po ako war freak. mahaba po ang fasensya ko mga kapanalig at sadyang malas lang ang nati-tiyempuhan ng toyo ko. charla!
ganito 'yan mga teh.
isang haggard na araw na naman ang aking sinapit sa trabaho. gaya ng ordinaryong araw mula sa opisina, isang matinding siksikan na naman ang sinapit ng mura at bubot kong shutawan sa tren para lang makauwi lang agad at makapag-byuri rest. parang ginahasa na naman ang hitsura ko ng sampung constru (pumila sila. isa kada isteysyen ng lrt. charito!) 4 na istasyon na lamang at malapit na akong bumaba kaya itinigil ko na ang pakikinig kay teh rihanna sa kanyang makabagbag damdaming "talk that talk" at shinonggal ang earphones mula sa tenga at nilagay sa bagelya ang ipod kumembolin.
narinig kong ako ang topic ng dalawang mag-prendsyip at nagtatalo sila kung ako ba ay may pusong mujer na nakakubli or isang tunay na otoks na hayok sa kipayla (eeeeeeeewwww! charms!)
prendsyip 1: girl, trust my gay-dar. hindi pa ako nagkamali. (ang futang jobese na beki, 'yung bulong niya super audible)
prendsyip 2: napaka-judgemental mo naman. baka marinig tayo. hihi (gaga! narinig ko talaga!)
prendsyip 1: saka look at his shirt. sige nga.
(heto ang suot kong shirt nung mga sandaling 'yun mga kalakwatsa..)
prendsyip 2: oo nga. may glitters. hihi (inggitera ang gaga! char! may poot lang?)
hindi ko na napigilan ang sarili ko. kelangan ko ng pumalag.
nyora: excuse me? masyadong audible ang boses 'nyo para hindi ko marinig. anu'ng problema?
na-shock ang dalawang bruha.
nyora: bakla nga ako. hindi ko tinatanggi. eh ikaw? (sabay turo kay prendsyip 1) bakla ka rin di ba? jobese ka. pinansin ko ba?
natensyon ang mga nakarinig.
mabuti na lamang at pababa na ako. isa na namang ka-cheap-an ang aking pinatulan.
hindi ko na naipaglaban ang mensahe ng aking damit, nawala ang aking ningning dahil sa ginawa kong pagkuda at ako'y tuluyang nalunod sa pawis.
*wahahahahahahahaha!* Ikaw na talaga Nyora! Patola ka talaga no? Matira mataray talaga ang basic rule dito sa mundong ibabaw.
ReplyDeleteMore mataray stories please! Winner ang mga ganitong kwento, bentang-benta sa'kin. :D
nag-promise ako sa mga prendsyip ko na magiging pasensyosa na akeli. nag-promise din kasi ako sa sarili ko na pipiliin ko na ang papatulan ko. ang mga kaaway ay parang jowa, piliin ang papatulan. charms! kaya lang may pagod ako ng mg sandaling 'yan, masarap pumatol sa kahit kaninong matabil ang dila.
DeleteHala! Ahahaha!!!!! Grabe ito, first time kong maka-encounter nito ah!
ReplyDeleteMaski ako, handa akong makipag-punitan ng brief sa kanilang lahat kahit saan pa kami makarating kung nakakapikon naman yung pagpupuna ng mga hinayupakis sa'yo pero di mo naman inaaano pabalik.
Nawindang ako. Parang umangat lahat ng nasa paligid ko pagkabasa nito! Ahahaha!!!!! Gaguhan lang ang peg ng magprendsyip! Ahahaha!!!!! Whooo...
hindi ko yata keri makipagpunitan ng shontilu (panty) pero keri ko pumunit ng brippany ng otoks. charms!
Deletecommon naman na 'yang mga ganyan. ang kinaiba lang nung dalawang bruha mejo dinig ko bulungan nila. sa pagkakaalam ko, discreet naman ako. deadma rin naman ako kung mahalata man ng iba or witchels. ayaw ko lang ng pinag-uusapan ako as if hindi nila ako kaharap. ako pa ba??? nagkataon lang chaka yung badesa mae kaya ko pinatulan. ganda ko pa lang hindi na siya makakapalag. char!
Yeah, obviously, seemingly, and apparently, guwapo ka naman sa picture mo. Beautiful face mo na ang magpapatunay jan.
Delete#push
charot lang yun, jay! baka isipin nila feelingera ako. haha.. nagmamaganda lang ako. haha..
DeletePanalo ka talaga ateng! Wish ko talaga na magkaroon din akew ng taglay mong ka-fierce-an at kayang komprontahin ang sinumang manglapastangan sa tulad mong saksakan ng kadyosahan.
ReplyDeletebax, witchels naman tayo dapat mag tapang tapangan or maging mataray dahil gusto lang naten. minsan kasi kailangan lang talaga natin maging palaban kung alam nateng tama tayo para hindi tayo minamata ng iba regardless kung fritti or chuckie ang pez.
Delete