1. NYOLDAPERS - wiz kalifa silang bitbit na baril or patalim pero tulad ng mga tunay na nyoldapers, itututok nila sayo ang kanilang naghuhumindig na sandata. mga manyak ang mga futa. rare ang mga gwapong nyoldapers ngunit ang champakang nyoldapers, nagkalat sa tren. imbiyerna at Mariah Scarey sa kanila ang mga babaylan ngunit sila naman ang target at hinahanap hanap ng mga mae-elya na mga badesa mae na hayok na hayok sa notches at betchikola ang siksikan sa tren at tila witchels na nilang bet matapos ang biyahe dahil kasabay ng paglisan ng mga nyoldapers, maglalaho na rin ng tuluyan ang kanilang mga nakaw na sandali.
2. SYET BADI BADI GANGSTER - wirishima sila members ng dance group na mega dansuy ng shake body, body dancer ni teh maricel (laxa? 'wag tonta! soriano teh!). sila 'yung mga parang sawa na nakapulupot sa rail o kaya nakasandal habang nag-e-emote sa biyahe. dermalin sila sa paligid na kahit obvious namang tumutumba tumba na 'yung ibang pasahero dahil walang mahawakan at hindi man lang magkusang-loob na hayaang makahawak ang iba sa mga safety hand rails. basta kumportable sila sa powsisyon nila na parang jowa nila yung bakal. kulang na lang halikan nila sa sobrang tindi ng pagkakakapit ng mga hitad.
3. LIBAG - tulad ng mga dead skin cells, hilig nila ang magsusumingit. dermalin kung ma-sight nila na wala ng espasyo ang tren at halos witchels nang humihinga ang mga tao sa sobrang siksikan. may i singit talaga ang drama nila at push to death kahit nagwawala na ang mga tao sa loob. wala silang fuso. karamihan sa kanila 'yung mga na-late yata ng gising at ayaw mahuli sa trabaho kaya idinaan na lamang sa santong paspasan ang pakikipag-gigitan makarating lamang sa kanilang destinasyon sa oras.
4. LOVE BIRDS IN PARES - self explanatory. yeast! flang! flang! flang! redundant na nga divah? sila 'yung mag-jowalina na owber sa ka-sweet-an. 'yung ilan sa kanila medyo pa-sweet lang. feeling jamich ang mga ja-b*tch na itez (bitter? haha). akala mo aagawin ang jowabels nila kung makayakap. parang isang umaandar na motmot pa nga minsan ang tren sa ilang love birds na mula pagsakay hanggang bumaba, wala ng ibang ginawa kundi magtukaan ng magtukaan. anu? walang pang-motmot? walang balur? hindi makapag-hintay? charms! (vitress talaga? hahaha)
5. GENTLE BAX - mga kapanalig 'wag 'nyong isipin na itinataas ko lamang ang bandila ng mga badet ngunit ito ay pawang katotohanan lamang at base sa obserbasyon ng karamihan. mapa-paminta man or mga badet na isang linggong naka-marinate sa downy with passion sa sobrang lambot, buong fuso nilang ino-offer ang kanilang upuan sa mga matatanda at kababaihan na ngawit na ngawit na mula sa pagkakatayo sa tren. mas lalaki pa silang maituturing sa mga naturingang istreyt guys na nagtutulug tulugan habang biyahe at dermalin kahit nagmumura na ang ugat ng mga kababaihan mula sa pagkakatayo sa mainit at siksikang tren. kaya sa mga gentle bax, saludo ako sa inyo mga marse!!!
6. TEXTMOSA - opo, ate charo! kahit saan yata may textmosa. tradisyon na yata 'yan ng karamihan sa'ten. may suggestion ang inyong lingkod para maloka ang mga textmosa na mae-encounter 'nyo. magkunwaring hindi kayo aware na binabasa nila ang tina-type mo sa selpown. magpanggap na may ite-text kang prendsyip at i-type itu, " futa! ang chakilou ng katabi ko. chuckie na nga, tsismosa pa." at saka mo i-send kong kanino man o kaya sa sarili mong no. (siguraduhing may load ang sim at baka biglang ma-sight ng textmosa ang phrase na "check operator keme" t ikaw pa ang lalong mapapahiya). ewan ko lang kung hindi umikot ang ulo ng mga loka ng 360 degrees 'pag nabasa nila ang ni-type mo.
7. SALAMPAK BOYS - plangak na plangak ang mga hayuf na 'yan! (ramdam 'nyo ba ang pag-iimbot ko? charms!) wiz ko lang knowsline kung naka-encounter 'nyo kahit isa man lang sa kanila. wala ring fuso at makasarili ang mga itwu. karamihan sa kanila ay mga constru na mukhang pagoda cold wave lotion mula sa trabaho at medyo malalanghap 'nyo ang kanilang aroma. ang kanilang peyborit spot? ang mga suluk sulok ng tren. sasalampak sila na tila mamahinga sa park at magtutulug tulugan ang mga hayuf. deadma sila kapag dumagsa ang mga tao sa mga susunod na station. dahil sa kanilang pagkakasalampak, halos pang 2 hanggang 3 tao ang ino-occupy nilang space na lalong nagpapasikip at hirap sa buhay ng mga kawawang pasahero ng tren.
8. POWER RANGERS - wit! wit! wit! ang sabi ng ibong marikit. witchels sila naka-costume ng blue, fokfok fink, yellow, green, magenta, indigo, fuchsia (tenkyu googlelandi para sa ispelling) or turquoise tapos eh havs ng powerful na espada, pana at kung aniz aniz na sandata. simple lang ang powers nila, ang napakatinding aroma na kayang magpabagsak ng daan daang pasahero ng tren. amoy hardworking talaga ang mga power rangers. pinaghirapan nila at pinagpawisang tunay ang hindi matatawarang aroma na manunuot sa ilong mo hanggang bawian ka ng buhay. at 'wag na 'wag kang magre-react at masyadong obvious na naamoy mo ang powers nila, baka samain ka sa kanila.
*HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!* Buti may post ka na, aliw much!
ReplyDeleteIshe-share ko to, para matuwa rin ang iba.
More please? :D
busy ang lola nyora at may pinagdaanan lang. charms! ay sige, gow! share galore! :) dadagdagan ko pa nga sana eh.
DeleteHindi pa man ako nakasasakay ng LRT (probinsyana akiz) ay ramdam ko na ang hirap na pinagdadaanan mo diyan base sa iyong sinulat. Di ko kaya ang POWER RANGERS. haha
ReplyDeletekailangan mong masubukan ang mga tren dito sa maynila, bax. winona ryder talaga ang mga power rangers. as in BOOM BOOM BOOM talaga ang smellanie marquez. TARAT TARAT CHARARAT pati ang mga fez. charoz!
DeleteNaku teh di ko talaga alam kung kaya ko ba. Baka ikamatay ko ‘yan. Ahaha!
DeleteNga pala, nung isang araw lang ay may nadaanan akong blog. Naalala kita kasi katulad mo rin ang way ng pagsasalita. Ikaw ba yun? Yun ba yung tinutukoy mong nahimlay mong blogelya? Ang namesung nung blog ay buhay badikla.
witcheru, madame! alam mo naman ang mga badesa nakakalat lang yan. isa siguro sa mga kafatid naten. hihi
Delete