Monday, September 29, 2014

isang mensahe para kay Katya


kinakalikot ko ang aking epbi account at aking nahalungkat ang ilan sa aking mga ni-post noong nakaraang 2012. nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking mensahe sa pinakamahalagang babae sa fuso ko (kyombels? charms!).

Katya,
saksakan ka ng sungit! oo! at alam mo 'yan! naalala ko pa nung bata pa ako, ayaw mo akong palabasin sa tanghali dahil kailangan kong bumorlogs. parusa kaya sa'ken'yun. kurot na walang kasingsakit ang ipinapataw mong parusa kapag tumatakas ako. kulang na lang ipahid ko ang shulami (kulangot) sa aking twinkling eyes at magpapanggap silang mga muta para lang hayaan mo akong makalaya kahit sikat na sikat pa ang araw.
tila mga flying saucers ang mga hangers sa balur kapag sobrang gulo ng paligid dahil pinaghahagis mo sila habang ako ay nakahilata pa rin sa aking higaan. ang lakas mo lang manira ng byuri rest divah?
sukdulan talaga ang inggit ko sa mga kaklase ko noong elementarya dahil nakaranas sila magsuot ng butch (boots), mag-alaga ng digital pets o tamagotchi at magpayabangan ng mga bagelya na may gulong. ang sususyal nila. samantalang ako pilit kong pinagkakasya yung sampung pisong pinapabaon mo sa akin noon araw araw. todo tipid talaga ang ginagawa ko para lang ma-experience ng dila ko ang tamis asim ng nerds at cry baby.
ilang beses ka bang nag-this I promise you na rereguluhan mo akeli ng telepono? taun taon mula nung high school hanggang kolehiyo, puro pangako. kahit nga pager hindi ko man lang naranasan.
knows mo rin ba inggit na inggit ako sa mga kalaro ko noong bubot pa ako. hinahayaan lang sila na maglaro maghapon. kahit hatinggabi na, nae-enjoy pa rin nila ang kalye dahil walang sumusuway sa kanila. eh ikaw? alas-9 pa lang ng gabi dinig na dinig ko na yung voice of the philippines mo. nagsusumigaw upang pauwiin ako. imbiernang imbierna talaga ako sa'yo nun! witchels ko man lang ma-showcase ang galing ko sa paglalaro ng bangsak at tagu-taguan (tingalingaling dingdong. uminom ka ng laso. patay, alive, umalis ka na jan sa place mez! oh divah? ganun yung kanta para piliin yung taya? charms! hahaha.) outstanding pa naman ang performance ko sa mga larong yun. kaya lang lagi mo ako pinapauwi agad.
alam mo ba na KATYA ang tawag sa'yo ng mga prendsyip ko nung college? kasi naman, tuwing daratnan ka nila sa balur naten kung hindi ka nakatapis ng tuwalya dahil freshly baked ka from bathroom, nakasando ka lang na manipis at shortypops na walang pinagkaiba sa shontilou (panty). juice ko! kinabog mo talaga sina maui taylor at yung iba pang viva hotbabes sa pang araw araw mong eksena.
pero alam mo rin ba na mas nainis ako sa sarili ko nung na-realize ko kung gaano pala kahirap ang trabaho mo. kung gaano ka ka-ngarag sa dami ng ginagawa mo at hirap mo. napagtanto ko na ang trabaho mo ang pinaka-haggard na trabaho sa balat ng lupa.
kahit anung gigil at inis mo sa'ken dahil sa sobrang tigas ng ulo ko, marinig mo lang ang "sorry" mula sa'ken, nakakalimutan mo na lahat ng galit. ikaw rin ang nakadiskubre ng tunay kong pagkatao. anu'ng ginawa mo? niyakap mo ako, nag-iyakan tayo at buong puso mong tinanggap kung anu ako.
alam mo namang iyakin ako pero anu nga ba yung text mo sa'ken nung last birthday mo habang nasa hospital ako hinihintay ka, "MAGPAGALING KA LANG, 'YUN NA ANG GIFT MO SA'KEN!" lalo akong napahagulgol dahil hindi lahat ng tao makakaranas ng kung anu ang pinadama mo sa'ken.
hindi man maayos ang pagkakasulat ko nito, alam naman Niya na galing sa puso ko lahat ng nakasulat dito. hindi ko alam kung bakit ikaw ang ibinigay NIya sa'kin. masama ang ugali ko pero bakit tila isang napaka-espesyal na regalo pa ang ibinigay Niya sa'ken.
sakali mang mawala ako at magkaroon tayo ng susunod na buhay, hihilingin ko sa Kanya na ikaw muli ang kanyang ibigay. hindi lang alam ng mga tao kung gaano ako kasuwerte magkaroon ng isang tulad mo. 
MAHAL NA MAHAL KITA, MAMA! 
IKAW ANG PINAKA-ESPESYAL NA BABAE SA PUSO KO.

6 comments:

  1. Na-miss ko ang mama ko after ko basahin to, makauwi nga samin this weekend. :)

    ReplyDelete
  2. guatong-gustong-gusto ko to! Namiss ko bigla nanay ko na nasa heavens na! Thank you for this Nyorat!

    -Nato

    ReplyDelete
    Replies
    1. aaaawww. salamat. i'm sure masaya na mudrabelles mo kasama si Papa Bro at binabantayan kayo. pero nato naman, parang hindi ko yata betchikola pakinggan ang nyorat. tunog notches. hahaha. charms!

      Delete
  3. Soo sweet!! Kahit humorous pagkakasulat mo ay na-touch heartness ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you so much, anonbax! intensyon ko talagang ma-tats ang fuso 'nyong fihikan. charms!

      Delete

chika ng mga rampadora