Monday, September 29, 2014

judgemental


rush hour. 


katabi ko (sa kaliwa) si manong intsik. simple pero mukhang shala. parang pupunta sa isang abandonadong factory ang effect niya upang i-meet ang kanyang mga hawak na bata/goons. smuggler/drug lord ang dating ng lolo mo. 

sa kanan ko naman ay si kuyang constru. suot ang loose shirt, pakak na pakak baggy pants at super wear din siya ng pares ng makasaysayang islander  habang bitbit ang kanyang bagelya na may tatak na... (wag ka ha!) 


jaraaaan!!! 



NORTHFACE na...







...JAPEYKS (well, ayon ito sa minadaling pagbuburda ng tatak at ng tela na kawangis ng sa sako. chos.) 



judgemental lang? charms!



feeling fresh naman ang eksena ko. feeling ko sumapi sa'kin si Kim Chiu ng mga sandaling 'yun. parang sampung whisper cottony clean ang nakasalpak sa kili kili ko. ni hindi ko man lang narinig na nag-alarm ang wetness indicator. may pa-sweet moves pa ang bruhilda sa saliw ng musika nina teh Britney at Will.I.Am.




nang biglang...



" Ugaliin po nating humawak sa mga safety handrails. I-check ang card na gagamitin upang makalabas sa istasyon. ugaliin din po nating i-check ang mga gamit bago bumababa ng tren (super check naman si koya as if may gintong martilyo at lagare ang bagelya ng futa) at MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT. Maraming salamat po," 


ang paalala ng lrt operator. 


sabay tumingin si lolo drug lord at si kuya constru sa'ken. sabay sila. yiz, Ate Charo! sabay na sabay! parang nag-practice. futa lang. hahahaha...



so sino ngayon ang judgemental???

10 comments:

  1. Replies
    1. hahaha.. ang sama nila sa'ken divah? 'tong gandang 'to? charms!

      Delete
  2. *HAHAHAHAHAHAHAHA!* Futah ka Nyora, nagising ang lola ko sa lakas ng tawa ko dahil sa'yo!

    Winner ang eksena!
    Wala akong mga ganyang moments sa public transpo eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha. hindi ko alam kung praning lang ako lagi pero feeling ko lagi akong napapagkamalang mandurukot. kaloka.

      dalawang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang eksenang 'yan. ni-repost ko lamang. hihi. nyeta sila!

      Delete
    2. Imbyerna lang na mapagkamalang mandurukot. Nakakasira ng poise. *hahaha*

      Delete
    3. chrew! sarap pagsasasampalin ng gold bars ang mga hayuf! charms!

      Delete
  3. Reaction lang po Nyora, kaya sila tumingin sa'yo nang sabay e late na nilang nalaman na may maganda pala silang katabi! Masasabi kong kung ako sa sitwasyon mo, matutuwa ako kasi maganda ako, at nakita rin nila... sa wakas!

    #TawaMuch

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay syet! napangiti ang hello kiffy at naglaway dun, jay. charms! mejo gandang ganda nga ako sa sarili ko ng mga sandaling 'yun ngunit ang kanilang mga titig ay makahulugan. mapangutya, may masamang kahulugan. hahaha.

      Delete
  4. Graveeh naman sila Teh! O baka naman kaya ka nila tiningnan kasi baka mahalata mo raw na may nawawala sa gamit mo, ay! sila ata mandurokot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sigurado ako, bax. mapangutya ang kanilang mga titig. hindi ko betchikola ang ibig sabihin ng mga titig na 'yon. chars!

      Delete

chika ng mga rampadora