Tuesday, November 17, 2015

shala la la! pak! pak! pak!





May dalawang inglatera sa jeepney spears...

Conyotic 1: it's like years na 'tong shirt ko. I bought this sa h&m abroad. Wala pa yatang h&m here that time.

Conyotic 2: but it doesn't look luma. Nice talaga 'yung quality ng fabric.

Conyotic 1: remember 'yung shoes that i told you last time. So pricey pala talaga but i might get them next week. Like madugo nga lang sa pocket. Hahaha. (sarap sapatusin ng fez davah? chars!)

Paduguin ko kaya nguso nitong dalawa? Articles. Mas maarte pa sa'ken. Kailangan kong lumaban. Hindi ito maaari.

May sumakay na tander boltz and lightning very very frightening at akmang uupo banda sa estribo, katabi ko. Kaya sa sabi ko sa isip ko, " diz iz it! "

Nyora: can you make usog ng little para makaupo si lola?

Umusog ang dalawang shala shalahang conyotics. Pero mukhang nabigla sa arte ko. Balak yatang ipanguya sa'ken 'yung swelas ng sapatos ko. Pero sorry sila, hindi pa ako tapos dahil pababa na ako.

Nyora: Manong, there lang po sa tabi! (sabay flip ng long, silky and shiny hereret)

Siguro lahat ng pasahero na nakarinig kasama namen, gusto akong habulin at pasabugin din nguso ko.


Matira mataray! 


Matira ang shala!


Ebribadi, let's singaru!!!


♫♪♫ My heart goes shalala lala! Clap! Clap! Clap! ♫♪♫    hahaha...