around 3 am along avenida. habang hihikab hikab pa ang lola 'nyo at nakayakap sa bakal sa gilid ng estribo ng jeepney spears, dalawang chakang otoko ang sumakay. tumabi sa'ken ang isa. pagdating sa sumunod na kanto, may sumakay pang isang lulurki, mas chaka. mukha silang holdapers pero dermalin lang ang beauty ko dahil sa antok. walang pang isang minuto ay nag-deklara na PALA sila ng HOLD UP.
chaka 1: (ginegetlak na pala ang mga nyelpown at walley ng mga kasabay ko sa jeepstra)
chaka 2: keme keme kumembolin. eklabam kimberly umeklavich (char! mahina ang the voice of the philippines ng swanget na kawatan at wiz kalifa ko maintindihan)
nyora: excuse me? (syet! nakuha ko pang mag-inar-ar.)
chaka 2: T*NG INA KA! AKIN NA 'YANG BAG MO! (sabay diin ng patalim sa aking tagilirin na kanina pa pala nakatutok sa'ken.
nyora: kuya, kalma lang! oh 'yan. sa'yo na. (sabay abot ng bagabelles)
napansin ng chaka 2 na nakalawit sa bulsa ng polo ko ang headset.
chaka 2: akin na 'yang selpown mo!
nyora: nasa loob po ng bagelya.
chaka 2: AKIN NA 'YAN! T*NG INA! (sabay turo sa bulsa ng polo)
nyora: hindi naman 'to cellphone eh. (sabay abot ng ipod shuffle at headset)
nang makuha na nilang lahat ng kailangan nila, umeskapo sila agad agad sakay ng kuliglig na kanina pa pala nakasunod sa sinasakyan nameng jeepestra.
shocked kameng apat na pasahero. yung iba kong kasabay hindi makapagsalita. ako naman, panay ang hikbi at dire-diretso ang tulo ng luha (hindi ako makapag-walling gaya ng forte ni teh juday. mahirap mag-walling sa jeep mga teh.) para akong rape victim kung makapag-inarte. mabuti na lang at hindi kame sinaktan ng mga hayuf na 'yun. mabait pa rin si Papa Bro. buong buo pa rin ako, walang sugat at hindi nadungisan. naisalba pa rin ang aking puri at dangal. char!
(sa mga holdaper na 'yun. kinginanyez! may araw rin kayo!)
Aw. Yaan mo. Mapapalitan yan ng nas maganda.
ReplyDeleteNatatawa ako sa pagkakasulat mo :))
sana nga. kaya lang yung IDs ko. tamad pa naman ako asikasuhin 'yung mga 'yun. mabuti naman at na-enjoy mo ang pagkakakuwento ko kahit hindi masaya ang naganap. hihi
ReplyDeleteNakakatakot naman pala sa may Avenida... Palagi pa naman ako diyan. Naku naku... Never pa ko naka-experience ng hold-up. Wag naman sana...
ReplyDeletepag alanganing oras na, pumili ka na lang ng jeepney spears na sasakyan, dapat yung halos punuan at maliwanag ang loob. imbudo nga ako, ako lang kinuhaan ng bagelya, yung mga kasama ko nyelpown at wallet lang.
ReplyDeleteGraveh nakakakyorkot naman. Pero ang importante buhay ka at maganda pa rin.
ReplyDeleteshokot talaga, bax. lintik lang ang walang ganti. chars! buti na lang talaga buhay pa rin ang badesa mae.
Delete