elegant. sophisticated. glamourous. witchikels maabot ng mga karaniwang nilalang. ganyan ko mailalarawan si Madame LV. elite. char lang mga badesa mae. 'yan pala ang mga salitang betchikola naming ma-achieve ni madame (onting pagmamaganda na lang maiuugnay na talaga sa aming byuri ang mga salitang 'yan. extra chos!)
halos anim na taon na ang nakalipas mula ng aking makilala si Madame LV sa aming shala shalahan kunong kumpanya. ang shutawan niya ay kawangis ng mga muher na kadalasan nating nakikita sa mga runway, pang-mowdel ang body ng babaylan divah? although hindi siya ganun katangkad (hindi tulad ni Nyora, the ultimate pakangkang divah, na nakikipagsabayan sa height ni Miss Melanie Marquez. charla!), keri pa rin naman at angkop lang sa kanyang borta. ma-chika siya, ma-chika na may sense. meron kasing mga sho-obelles (tao) na more more chika, witchels namang saysay ang mga lumalabas sa bebeklavush (bibig). sa madaling salita non-sense. smart si Madame LV. mahilig sa lahat ng uri ng arts. isa rin siyang bookworm. mahilig mag-travel ang lola 'nyo. relihiyosa rin siya ngunit not your typical manang na with belo tuwing uma-attend ng mass. lalabanan ka niya suot ang kanyang mini skirtypops na parang si julia baretto aka mirabella (flores? charmoist!)
marami kaming similarities ni Madame LV, bukod sa natatanging byuri at hindi matatawarang alindog, pareho kaming kapamilya, kapamilya stars. check republique ka 'jan, Ate Charo. pareho kaming contract stars ng kapamilya network. char lang! ang betchikola kong sabihin ay pareho kameng makapamilya at kahit na sa aming edad (pa-sweet 16 si Madame LV at ako naman ay katorse lamang. char!) ay hindi pa rin namin naiisip na bumukod dahil alam naming kailangan pa rin ng aming kani kaniyang pamilya ang suporta.
pareho kaming lumaki sa isang pamilyang pinagkaitan ng karangyaan (although ka-level namin ng ganda si Diana at Kate kaya wiz halata. char!) at nangarap na balang araw ay maiaahon ang pamilyang nasadlak sa putikan (exagg? chariz lamang!). ang kwento ni madame ay wiz na bago sa pandinig ko. knowsline ko ang kanyang mga pinagdaanan. nagsumikap ang lola 'nyo na makatapos ng kolehiyo upang makahanap ng winner na trabaho.
dahil sa sipag at tiyaga ni Madame LV naka-getlak na rin siya ng balur somewhere in south at doon nakatira ang kanyang mga shupatembang, shumangkin at mudrabelles. opkors tumutulong rin siya sa mga pagbayad ng mga bills, bills, bills nila sa balur pati rin sa pagpapaaral sa kanyang mga shumangkin. bukod pa 'jan, mahilig din siyang umeksena sa mga charity kumembular kung saan nabuo niya ang "little ways". iba ibang grupo na ang ang nahandugan ng tulong ng kanyang "little warriors", mga simpleng bagay na makakatulong para sa pang araw araw na pangangailangan nila. hangtaray lang ni Madame LV davah? Princess Diana lang ang peg?
hindi ko naman masyadong pinagpupurihan si Madame LV dahil kaibigan ko siya, tunay naman kasing byuriful siya inside and out (like me? ayaw patalbos? char!) ngunit sa kabila ng kanyang mga nakamit na tagumpay sa life (hangtaray davah? parang bortista lang na nasa peak ng bonggels na career), may mga araw na nakakaramdam ng lungkot si Madame LV. sa kanyang edad na... 16 (chariz lamang!), mayroon siyang isang lihim (lihim nga ba ito?) isa siyang birhen. puro. dalisay. busilak. never been kissed, never been touched. NBSB, no boyfriend since birth. may mga oras na nakakaramdam siya ng emptiness (emptiness daw oh?), may pagtatanong sa kanyang sarili kung kailan darating ang right guy (baka left ang darating madame?). may shokot na tumandang dalaga at hindi man lang naranasang masaktan dulot ng pag-ibig (masaktan ang puso at ang .... char! hahaha.. peace tayo, madame!)
knowsline ko namang ready na siya sumubok (sa fag-ivig ha!) at mukhang handa na rin naman siya sa mga bagay na maaaring idulot nito sa kanya. siguro more more patience lang talaga ang kailangan niya dahil I truly believe (parang Miss Universe lang?) na may nilaan talaga para sa kanya si Papa Bro na tunay na magmamahal sa kanya at magpapakulay sa kanyang buhay at magpaparanas sa kanya ng mga bagay na nararapat na tinatamasa ng isang tunay na babaylan.
kaya naman kay Mr. Right, utang na loob!!! 'wag mo ng paabutin ng kwarenta or singkwenta anyos si Madame LV! nananabik na siyang makilala ka! 'wag kang umano 'jan! aarte ka pa ba kay Madame? juice ko! hindi ka na lugi 'jan no! kaya ano pang hinihintay mo? sakay na! char!
Madame LV, manalig tayo. parating na si Mr. Right, medyo naligaw lang siya ng landas (knowsline mo na ang ibig kong sabihin). bitbit niya ang mapa, tatahakin niya rin ang tamang landas papunta sa fuso mong fihikan.
Sana nga mahanap na ni Madame ang tunay na pag-ivig.Sa kabaitan niya (nakilala ko?) deserve niya ang mahalin siya tulad ng pagmamahal niya sa iba. Everything has a perfect timing.
ReplyDeletechrewlilibambam ka jan teh! kaya nga super rampa si bakla ngayon sa SG at MY baka sakaling pagtagpuin sila somewhere doon ni Mr. Right!
ReplyDelete