Monday, March 10, 2014
MGA URI NG PASSENGER SEAT SA JEEPNEY SPEARS
1. dermalin plus - sila 'yung walang paki. na-master ang art of deadmatology. may nagsasaksakan sa tabi niya, derm! nahablutan ng bagelya 'yung katabi niya, derm! ini-snatch 'yung kwintas nung katabi niya (tapos nashonggal 'yung ulo at tumalsik sa kanya. char! morbid?), derm! nagpa-panic ang lahat ng pasahero sa jeppelya dahil sa lindol, derm! dermalin talaga ang lola mo. siguro 'pag may kumalabit sa kanya at napansin na sinaksak na pala sa tagiliran ang gaga, baka irapan ka pa n'yan sabay flip ng hair. divah? hindi sila meldy (maldita), sadyang na-power lang nila ang art of deadmatology.
2. Praninger-Z - iwasang dumikit sa kanila. hangga't maari dumistansiya ng mahigit isang dipa kung may kaluwagan sa jeepestra. maloloka ka sa eksena nila once dumampi kahit ang isang strand ng hereret mo lalo na kung katulad ko na may long, silky, smooth and manageable have a great hereret day. sila 'yung akala mo may bitbit na gold bars at diamente sa loob ng bagelya. feeling nila sila si sarah crewe (sarah ang munting bitchesa. char!), tatay nila si captain crewe na may minahan ng diamante at iniwan sila sa isang dormitoryo sa Inglatera na pinamumunuan ng bitchesang si Miss Minchin kung saan kaklase niya ang mas bitchesang si Lavinia na ubod ng inggitera at napaka intrimitida (nagkwento? haha.) mabalik tayo sa mga praninger-Z. feeling nila lahat ng tao sa paligid nila ay may balak na getlakin ang kanilang nyelpown, alahas, bagelya o kung anumang mga importante at mamahaling bagay na bitbit nila. eh kung hindi ba naman gaga 'yang mga 'yan, dadala dala ng mamahaling bagay tapos sa jeepney spears lang sasakay, tapos lahat ng tatabi sa kanila akala nila eh mandurukot. at 'wag ka, may dalawang uri 'yan. may mga discreet at may mga buong laya nilang ine-express ang kanilang nararamdaman sa katabi nila sa pamamagitan ng pag-iwas, pagtingin ng masama na tila tila sinasabing "magnanakaw ka no?" at mahigpit na pagyakap sa kanilang bagelya na kung tutuusin naman eh mukhang murayta pa sa secosana. kairita divah?
3. laila chikadora - madalas grupo ang mga laila. syempre, wiz ka naman sigurong chi-chika all by yourself. monologue lang ang drama mo nun. sila 'yung parang nirentahan nila ang buong jeepelya kung makapag-chikahan. at ang boses ng mga itu parang 85 decibels ang level sa lakas. kung magtawanan ang mga 'yan akala mo nasa sala ng baler lang sila nagchi-chikahan. may padyak padyak pa ang mga hitad kapag tawang tawa sila sa pinag-uusapan nila. eto pa! minsan dermalin pa sila kahit ang topic nila tungkol sa erna, jugjugan, maliit na notches ni ganitez, malaking betty log belmonte station ni ganitembang at kung anu ano pang kahalayan at kababuyang topic na walang pakundangan sa mga tulad kong malinis at dalisay ang budhi. chos!
4. bukaka boys - self explanatory na 'yan mga teh! sila 'yung akala mo pinagpala at nabiyayaan ng dambuhalang yagbols kung makabukaka. kung makaupo sa jeepestra pang dalawang tao dahil sa bonggang bonggang bonggambilyang bukaka na talo pa ang manganganak. walang fuso ang mga hayuf na 'yan (may pinaghuhugutan?). sadyang insensitive sila sa kanilang paligid. hindi sila matitinag sa pagkakabukaka kesyo yung katabi nila eh upong pang 4 pesos na pamasahe lang or yung katabi nila eh nagpapanggap na lang na nakaupo para hindi mapahiya at masabi lang na nagawa niyang makasingit sa bukaka boys. at wag ka! pag nilinyahan mo sila ng "ser, pausog naman pong konti" o "ser, pwede 'wag pong masyadong nakabukaka para magkasya tay", lagot ka teh! ikaw pa ang tatarayan ng mga 'yan at re-reply-an ka ng "masikip talaga" o "eh bakit sumakay ka pa nakita mong punu na." hodevah? fowerful! ikaw pa ngayon ang may kasalanan.
5. meldy marcos - well, well, well. ilan sa kanila ay pretty pero karamihan sa kanila ay feeling pretty kahit mukhang dragon. akala siguro ng mga loka, nakagaganda ang pagmamaldita kaya ginawa na nilang tradisyon itu sa tuwing sasakay sila sa jeepelya. isa sa mga palatandaan na belong sa group na itu ay ang kanilang signature na pag-roll eyes. kahit saang side, keri nila. at 'wag na 'wag mong subukang makisuyo sa kanila na iabot ang bayad kay manong driver dahil isang matinding irap lang ang isasagot nila sa'yo. 'pag sinuwerte ka pa, titigan niya lang ang baryables mo habang ngawit na ngawit ka na na abutin niya ang bayad mo at hahayaan ka niyang mamatay sa ngawit. ganun sila kaantipatika. sarap saktan divah? char.
6. textmosa - hinding hindi ako belong sa group na itu. hindi ako guilty. char. siguraduhin mong peripheral vision mo lang gagamitin mo para ma-julie yap mo ang mga textmosa. karamihan sa kanila, mejo palihim makibasa sa telepono ng iba. pero ang ilan sa kanila (kasama ba talaga ako??? char.) best in reading talaga. walang halo ng pag-aalinlangan kesehodang tinititigan na sila ng may-ari ng telepono. at sorry kayo, may pailing iling pa ng head ang iba kapag mejo sad at hindi kagandahan ang mensaheng kanilang nabasa at todo smile ang mga gaga kapag puro kalandian naman ang tina-type ng may-ari ng nyelpown. kaya mag-ingat sa'ming mga textmosa. i mean sa kanila. char!
7. sleeping beauty - hindi sila si Princess Aurora na tinusok ng kanyang inggiterang madrasta ng karayom para mag-ecclipanny (matulog) forever and ever gotesco at we-wake up lamang when september ends kapag ni-lipstulelak na siya ng kanyang prince charming na badinger-z pala (gumawa ng issue? char.) isipin na lang naten na pagoda tragedy lang mga lola 'nyo kaya hindi na nila nagawa pang lumaban sa buhay at tuluyan ng nilamon ng antok sa kabila ng maingay na kapaligiran at ng panay na malakas na preno ni manong jeepney spears driver na parang nagpagawa lang sa recto ng driver's license para makapasada.
8. to follow... (bigyan naten ng chance ang neurons ko) hihihi..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Dami kong tawa dito, Nyora,mga 8,642. LOL
ReplyDeleteMore please!
How about sa bus? And sa train?
ifurrrview, quezon city sepsep na-count mo ang tawa mo ha.
ReplyDeleteabangan mo yung sa tren. yung kay BUSil valdez, susubukan ko para sa'yo. sa isang kundisyon. chariz!
Aabangan ko talaga yung sa tren! *hahahahaha*
ReplyDeletemas marami pa namang eksena dun! framis!
ReplyDeleteSobrang dami ko ding tawa dito. Nakakaenjoy magbasa.
ReplyDeletesalamas naman teh at nag-e-enjoy ka. abangan mo 'yung sa tren. hihi
ReplyDelete