puno ng ng pangamba ang aking puso. may takot na namumuo sa mga
sandaling 'yun. lalabas akong muli at haharap sa kanya, siya ang matindi
kong kalaban sa ganitong oras, si sunshine.
hindi pa achieve na achieve ang aking goal na tuluyan na akong
lubayan ng malabatis kong kili kili. may ilang linggo ko na ring
sinusubukan ang newly discovered kong Driclor (strong anti-perspirant).
inferlu, sobrang laki ng pagbabago simula nung ginamit ko siya although
may mga araw na hindi talaga maiwasan ang pagdanak ng pawis dahil na rin
sa tindi ng init lalo na't summer. hindi ko na kailangang tapalan ng
tissue (courtesy of pantry) ang magkabilang kylie ko at hindi ko na rin
itutuloy ang balak ko na subukan ang charmee or whisper cottony clean
('yung walang wings ha. char!) para lang buong laya kong naitataas ang
aking arms na na walang pagaalinlangan na baka bakat na bakat ang
wetness indicator sa suot kong damit. 90% pa naman ng kulay ng mga damit
ko, puro matitingkad ang kulay. feeling ko kasi isa akong peacock.
char!
nung araw na 'yun, fokfok fink ang suot ko. ang
ganda ganda ko raw kasi sa fink (feeling ko inuuto lang ako nung mga
nagsasabing ka-opisina ko, feel na feel naman ng gaga kaya panay fink
ang suot. haha). tumambad sa akin ang matinding init ni sunshine, parang
puno ng pag-iimbot sa akin ang bruha, tirik na tirik. parang susunugin
ang aking alagang silka papaya soap at nivea whitening kumembulin na
skin. pero hindi 'yun ang aking major (as in major, major. hi teh venus
raj raj rah ah ah, roma ro ma ma. gaga, king ina. char!) concern kundi
ang aking kylie. Mariah Scarey talaga, Ate Charo. hindi ako handa sa mga
tingin na may pangungutya mula sa mga madalang pipol sa labas sakaling
makita nila na basa ang aking kylie. baka sabihan pa nila akong malakas
ang loob na magsuot ng ganung kulay, Baskil Valdez naman pala ako.
nooooooooooooooooo!!!
pero hindi naging mapait ang tadhana ko nung araw na
'yun. pagdating ko sa sakayan ng bus, kaagad akong nakasakay ng walang
kahirap hirap. winona ryder talaga! winerva rin 'yung bus na nasakyan
ko, hanglamig. parang nag-import pa sila ng yelo mula sa north pole.
hindi katulad ng ibang bus na parang apoy ang inilalabas ng aircon at
nakukuha pa ni manong driver na punuin ang bus na parang spanish style
sardines ang mga pasahero. mabuti sana kung kalamigan ang loob ng bus
(daming issue? hahaha).
matiwasay akong nakababa ng bus at syempre walang
kamatayang runway walk na naman ang eksena ko patungong lrt isteysyen.
may I open ako ng akong umbrella ella ella eh eh eh na kulay turquiose
(yiz! chrewlilibambam, mga kapamilya. turquoise po ang kulay niya. at
kay Katya siya nanggaling) ilang sandali pa ang naghiyawan ang mga tao
sa aking pagdating sa lrt. char! ang saya ko lang dahil walang pila.
kaya pala walang pila dahil halos lahat ng tao nasa loob na yata ng
istatsyon. nyeta. kaloka. parang ito na yata ang magiging mitsa ng
pagluha ng aking kili kili.
unti unti pang naipon ang mga tao dahil ilang tren
na ang dumaan na puno ng pasahero at may dalawang skip train pa ang
nag-hello lang sa'men. ito na yata ang sinasabi nilang impiyerno.
mainit. maraming tao. maraming chaka. char! maraming ma-kyoho.
finally, dumating na ang pinakaaasam kong tren. ang
sabi ko sa sarili, sasakay na ako kahit anu'ng mangyari. hindi ko na
kakayanin pa 'pag nagtagal pa ako sa kinatatayuan ko. baka mag-collapse
na ang beauty ko. wala pa namang gwapong lulurki ang pwedeng sumalo
sa'ken at sagipin ang aking buhay sa papamagitan ng bonggang bonggang
cpr. char!
syeeeet! ayan na! at siksikan nga ang mga masa.
char! pinilit kong makapasok sa kagustuhan kong makauwi na upang
makapagpahinga at makapaligo. ini-imagine ko na magbababad ako sa bath
tub na punung puno ng milk with rose petals habang sumisingaru ako ng
"like a touch from a rose" ni teh anne curtis gaya ng sa commercial
niya. at kung susuwertihin ka nga naman, kung kelan bugbog init sa
tag-init, 'yung sira pa ang aircon ang nasakyan ko. nakakalurks! sarap
tadyakan nung bangs nung babaeng katabi ko. char! kulang na lang ay
ilabas ko ang rosaryo sa aking bagelya at pipiliin ko na lamang taimtim
na manalangin at baka sakaling magkaroon ng himala at umihip ang
napakalakas at napakalamig na hangin mula sa aircon ng bulok na tren.
pero wit wit wit!, ang sabi ng ibong tiririt! mortal sin ang paggalaw ng
anumang parte ng shutawan mo sa loob ng tren. exagg talaga ang
siksikan. wala ng ring silbi ang mga safety handrails sa loob dahil
kahit mag-ala-rollercoaster ang lrt, hinding hindi ka tutumba sa sobrang
siksik.
amoy sunshine, amoy sinigang na kylie, amoy imburnal
na hininga at kung anu ano pang hindi masyang amoy pa ang naghalu halo
sa loob. idagdag mo pa ang tumatagaktak na pawis ng mga pasahero dahil
sa matinding init at mga chakang constru (kasi ba naman andami nila lagi
eh. may issue? char!), impiyerno davah? yun lang talaga ang naisip ko.
saktong sakto, meron pang dalawang demonyitang muher ang daldalan ng
daldalan na animo'y kakatapos lang nila magkutuhan at nagti-tsismisan
tungkol sa mga naliligaw "daw" sa kanila. mga ambisyosa! (may issue rin?
chos!)
mabait pa rin talaga si Papa Bro at nalampasan ko
ang delubyong dinanas ko. natakot kasi ako na baka magkaroon pa ng
technical error kumembolin ang tren at ma-stuck pa kame doon ng mahabang
oras. kung nagkataon baka hindi ko na kayanin ang mga susunod na
pangyayari at baka biglang pindutin ko ang emergency button at tumalon
na lamang ako mula sa riles para wakasan ang makulay kong buhay. char!
(masama 'yun ha! 'wag gagawin 'yun!)
para akong ginahasa ng isang batalyong demonyo ng
makasakay ako ng jeepney spears patungo sa aming balur. pero naisip ko,
ilang minuto na lamang at makakapagpahinga na rin ang nalaspag kong
ganda. char!
habang pinupuno ng pasahero ang jeepestra, sumakay si lola manang
at umupo sa katabi ko. maya maya pa'y may inilabas sa kanyang mahiwagang
bagelya na mga papel at isa isang iniabot sa mga naghihintay na
pasahero. naisip ko, baka manghihingi ng abuloy 'to. dinedma ko kasi ang
nakasulat sa papel. napansin kong binabasa ng mga pasahero ang
nakasulat sa papel maliban sa'ken at ako'y na-curious. tiningnan ko ang
nakasulat, may kahabaan. tiningnan ko si lola manang at tinanong,
AKO: para saan po 'to 'la?
LOLA: basahin mo! salita ng Diyos. iaalis ka niyan sa IMPIYERNO.
at
ako'y natigilan. syet lang. mukha ba akong KAMPON NG KADILIMAN? imbierna! sa
kabilang banda, naalala kong muli ang sinapit ko sa tren at naisip kong,
basahin siya lagi tuwing sasakay ako ng tren. dahil ang tren na 'yun
ang impiyerno. char!
Kung mala-bukal na kylie ang pinoproblema mo, ako naman stress ako sa pagkakaroon ko ng idiopathic hyperhidrosis sa kamay. Sounds sushal divah pero pasmado lang naman tagalog nun. hehe.Kainis nga, kapag mainit ang panahon halos lahat ng hawakan ko nababasa. Tsk tsk. Buti pa si King Midas golden touch ang sa kanya, yayaman pa.
ReplyDeleteidiopathic (unknown ang cause, right?) syeeeeeet! palaban ang badesa mae. may naaalala pa pala akeli sa limang taong pagdurusa ko bilang isang physical THErapist na hindi ko naman napapakinabangan ngayon.
ReplyDelete