Wednesday, September 9, 2015

Remember my name, peeeeeeeeeeeeyyym!

Apparently, biglang naging viral ang pinsan kong itago naten sa pangalang angelica jane yap. Char. Kilala na siya bilang si pastillas girl sa peysbuk at may nag-upload na rin ng bidyo niya sa youtube kung paano gumawa ng pastillas na punung puno ng pag-iimbot at parang ampalaya ang main ingredient.

Dati dubsmash galore lang ang inaatupag namen at dansuy galore lang, ngayon sikat na ang bruha. Famewhore ang loka eh? Charms.

Nakakaloka lang dahil merong nag-claim na siya ang tunay na nagma-may ari ng recipe ng bitter pastillas kaya naman hinanap siya ni chaps (tawagan nameng magpipinsan) upang humingi ng paumanhin at bigyan ng credits na nuon pa yata siya hayok na hayok simula ng malaman niyang naging viral ang bidyo. Kung hindi kaya nag-trend ang bidyo, aatungal pa rin kaya si ateng or mananahimik lang?

Medyo warlatik din kasi mga prendsyip ni ateng. Kegaganda kasi. Yung fez at ugali, directly proportional. Yun na! Charms. Mas pinili ko na lang ditez magdadadakdak kaysa makisali sa world war III nila sa peysbuk dahil masyado nakakaganda. Charot.

Heto nga pala ang link ng bidyo ni chaps.



https://m.youtube.com/watch?v=7SaB-c5vThE