Wednesday, July 30, 2014
The Momi
plunge na plunge sa banga ang mga terms of endearment kapag may jowalina ka. siyempre hindi kame magpapahuli ni (ex)joypren 'jan. kaya lang naloka ang byuri ko sa gusto niyang itawag sa'ken. ganitiz yan... (text message ang mga itez ha)
(ex)joypren: nyora, tuloy ba tayo bukas sa mega mall?
nyora: oo. basta napag-usapan na, sure na yun! unless magtext ako na hindi pwede, ite-text ko naman agad.
(ex)joypren: ah ok. i miss u, MOMI ko! yun na lang ang itatawag ko sa'yo ha. i love u, mi!
(tumambling muna ako ng bente times bago naka-recover at nakapagreply)
nyora: ok lang naman. hehe.. sure ka na ba na 'yan ang gusto mo itawag sa'ken? (medyo shocked pa ang bruha)
(ex)joypren: oo mi. ayaw mo ba? :( sige isip na lang ako ng iba.
nyora: hindi. ok lang naman. sige yun na ang tawag mo sa'ken. so dadi ang tawag ko sa'yo? (nyeta! hindi ko feel. charms!)
(ex)joypren: opo mi. love u mi!
nyora: love din kita di! mwah!
kahit may babaitang nakakulong sa pagkatao ko, medyo hindi ko bet ang "momi" kasi parang ang chuckielou blanco kung tawagin niya akong momi sa gitna ng maraming fifol op da pilipins kung sakaling nasa mall man kame or any public place. pero dahil hindi ko mahindian si joypren, go for the gold pa rin ako sa "momi". pero mas madalas yung shortcut lang ang giinagamit niya kapag tinatawag niya ako or kinakausap. kinikilig ang pechay ko everytime maririnig ko yun. may pagkibot ng beri beri layt ang imaginary pachuchay.
hindi talaga sweet sa totoong buhay si (ex)joypren. saksakan ng sungit! super moody. mashoray. imbudo lagi sa paligid at sa sanlibutan. pero keriboom ko namang i-handle ang toyo niya. kumbaga, knowsung ko na ang timpla niya. ganun na siya nung nakilala ko siya at tuluyang nainlab sa kanya. kaya iniitindi ko na lang kapag sinusumpong ng kashorayan at kamalditahan ang lolo 'nyo. kung aartehan ko rin siya at tatapatan ko ang kanyang kasungitan, matinding showdown ang eksena namen. world war 3 itiz!
kaya nga kahit momi, amelia, chenelyn, victoria, sugar, chizkeyk, hamgerger, sundae, pande coco, pande regla, nata de coco or kahit aniz pa ang bet niyang itawag sa'ken, keribambam lang. para sa'ken, sapat na yun at napaka-sweet upang maglaan ng kaunting sandaling upang pag-isipan yun at marinig mula sa kanya ang salitang mula sa kanyang fuso na tunay namang tumagos sa aking fihikan at nag-iinarteng heartness.
kabog sina ate klaw klaw at rico yan (RIP) bilang via at gabriel divah? charms!
(in-edit at ni-repost mula sa aking namayapang blogelya)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Parang naaasiwa ako sa 'momi'. Tanggalin lang yung 'i', 'mom' ang matitira. Kapag ginawa mo naman 'a' yung 'o' (as in 'mami'), parang gutom lang si kuya. *hahaha*
ReplyDeleteWell, siguro it's the thought that counts na lang? At least willing siya na may tawagan kayo. *hehe* I think mas okay na yun kaysa sa 'beh' or 'lhabxz quoh'.
asiwa talaga. hayaan na naten siya sa mga trip niya. sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. charoz!!!! buhay pa pala siya at lihim na umaasang mapapasakamay niyang muli ang natatanging alindog at kariktan na kanyang pinakawalan. charms!
ReplyDeleteWag kang magre-recycle 'teh. Ipamahagi sa iba ang biyaya! The more, the merrier! *hahahaha*
Deleteano ang ipamamahagi ba? si ex-joypren or ang aking namumukod tanging alindog? charoz!
ReplyDelete