3:30
pm. sweet siksikan sa tren. nakuha ni ate ang atensyon ko. tisay.
maganda. pwede siyang kapatid ni Andi Eigenmann aka Galema bilang mukha
naman siyang cobra sa kanyang hairstyle. char! seriously, pretty si ate.
mukhang nang-aalipusta at ang hilig niyang laro ay siraan ng buhay.
extra chos! puwesto siya sa pagitan ko at ng dalawang estudyanteng
merlat. humawak si ate sa safety handrail upang hindi
matumba habang umaandar ang tren. kapansin pansin ang maya't mayang
pagtingin ng isa sa 2 estudyante kay ate. ang kaliwang kamay ang target
ng mga mapanuring mata ng estudyante. sa basa at malagkit na kamay ni
ate. syeeeet! pasmado si ate.
napansin ni ate ang mapanghusgang
tingin ng estudyante ngunit na-master niya yata ang art of
deadmatology. ngunit nang kanyang mapansin ang mga tingin ng estudyante
na may halong pangungutya at pandidiri, hindi na nakapagpigil si ate at
lumabas sa kanyang mapupulang mga labi ang linyang,
"Bakit?
Ngayon ka lang nakakita ng pasmadong kamay? 'wag ka mag-alala, pag-uwi
ko pupunasan ko agad 'to tapos tuyo na. eh ikaw? pag pinunasan mo kaya
'yang mukha mo, gaganda ka?"
ay syet! winona ryder! winner ang
line. parang bet ko gayahin. gusto ko sanang kumapit sa handrail at
ipakita ang basa kong kylie (kili kili) ngunit may pangamba akong baka
hindi chaka ang pumuna sa akin kundi mga magaganda at gwapo kaya hindi
effective ang line ni ate. at dahil sweldo naman, pwede kong hiramin ang
linya ni teh anne curtis. parang ganito,
"so what? I can buy you, your friends and this train!!!"
*wahahahahaha!* Panalo ang hirit ni ate! Sakit ng tiyan ko!
ReplyDeletesepsep, chrewlilibambam ka 'jan! win na win talaga 'yung line ni ateng. betchikola ko gamitin bilang pasmado rin akez.
ReplyDeleteGrabe pala talaga ang siksikan diyan sa NCR. Parang nakaka-haggard ng byuri.Luckier pa rin pala kami dito sa prowvincia, less siksikan sa mga dyip (jeep ang # 1 sakayan). Lesser din ang traffic ng mga 80% (nakalkula talaga?) At higit sa lahat lesser din ang mga mandurugas.
ReplyDeletechrewly 'yan teh! pero parang naisip ko tuloy kung pwede ring gamitin ang kalabaw bilang mode of transporteysyen ditez sa meketi. tingin mo? charms!
ReplyDelete