Saturday, January 18, 2014

bayrus

nakuha ko pang maglamiyerda sa mall after ng check up. kelangan ko makahanap ng makulay na flip flops. adik ako sa tsinelas. may sayang dulot ang mga tsinelas sa aking pihikang fuso. char! matapos makabili, oras na ng paglisan. 

go for lrt. malamang siksikan. 

"sana pwede kamutin ang lalamunan ‘pag nangati. nakakahiya magtatahol sa gitna ng maraming tao," sabi ng isip ko.

sweet and sour ang tren. sweet siksikan at ang sour ng aroma ng ibang pasahero. char. nangangati ang lalamunan. syet! noooooo! ayaw ko umubo. pero hindi ko napigilan.

"UBO. UBO. UBO."

nagtinginan ang ilan. nilabas ko ang telepono ko at ginamit ang natutunan ko sa acting workshop with Ms. LT. char.

ako: (habang nagpapanggap na may kausap sa phone) pauwi na ako. gusto nung doctor na i-admit na ako para ma-obserbahan pa raw. magwa-one week na kasi yung ubo ko at lagnat. eh kakauwi ko lang from SAUDI. may sinasabi siya tungkol sa MERS-CORONA VIRUS. malay ko ba dun. (habang minamalat pa ang boses). o sige na. paos talaga ako. sabay tago ng phone.

sa isang iglap, lumuwang ang tren, specifically ang puwesto ko. oha! oha!

2 comments:

  1. You're such a happy person. Despite of very tiring situation like this, you can still have time to enjoy every moment and make fun of it instead of frowning. I admired you of being like that.

    (calling an ambulance, kelangan ko munang magpa-blood transfusion dahil sa kaka-english. blood loss.) charz!

    ReplyDelete
  2. ay syet! inglatera ka pala teh! hahaha.. kelangan naman kasi talaga puno ng happiness and energy lagi kasi kung iisipin mo lang lagi ang hindi magagandang nangyayari sa'yo, lalo ka lang maiimbudo.

    ReplyDelete

chika ng mga rampadora