Saturday, January 18, 2014

lola chikadora meets nyora

nanganak na si BB Gandanghari. tinubuan na ng tantaran chuchurutchurut si Charice. bff na ulit sina maja at kim. pero ang jeepney spears na sinasakyan ko, waiting in vain pa rin sa mga pasahero. tulala na ako habang pa-hum hum ng awiting "all by myself" ni teh celine. nyeta lang.

finally, may sumakay. dalawa na kame. ang cute ni lola. colorful ang outfit. terno kame. biglang nataranta si lola. napraning. parang may hinahanap.

LOLA: nawawala selpown ko. 'asan na ba 'yun? napansin mo selpown ko? (sabay tingin sa'ken)

AKO: kasasakay mo lang po nanay. bakit nauna po ba yung telepono 'nyo sa inyo dito sa jeep. tapos nakita ko at tinago ko? chos! 'yun sana ang isasagot ko pero ang sabi ko "ay hindi po, 'nay"

LOLA: (natawa. naloka yata. extra chos!) hindi kaya naiwan ko sa bahay, 'toy?

AKO: totoy? nene po, 'nay! chos ulet. "baka nga po naiwan 'nyo 'nay," ang totoong sagot ko.

LOLA: naipatong ko siguro kung saan bago ako umalis. haha.

AKO: sa ibabaw po yata ng microwave 'nyo 'nay.

LOLA: hihi. wala kaming oben (oven), 'toy. hihi. wala nga kaming aplayans (appliances), tibi (TV) lang. sandali lang ho, mama. bababa lang ako. (ang paaalam ni lola sa driver).

hahaha.. i love you lola! salat man kayo sa appliances, sagana ka naman sa chika at perkiness. sana makasabay kita ulit. mwah!

2 comments:

  1. Ang cute ni lola, parang ang sarap niya talagang kausap. Mabait siya di tulad ng mga nabanggit mo sa isa mong post na mga uri ng mga passengers.

    ReplyDelete
  2. trux ka jan teh! sobrang sarap kurutin ng cheeks ni lola sa sobrang cute. maka-lola kasi ang lola nyo (hanodaw?)

    ReplyDelete

chika ng mga rampadora