buhay na naman ang alindog ng lola 'nyo. busy kuno ang drama ng bakla nitong nakaraang mga buwan. talo ko pa ang iskeydyul ni kathryn bernardo sa dami ng ganap. matapos ang bonggels kong bortdey celebration with my chuvachuchu last November, power dance naman ang baklita sa opening prod sa aming company christmas parteeeey. after christmas, fly naman akiz with college prendsyip sa El Nido upang maghasik ng kagandahan. charoz!
ngunit hindi tungkol sa mga 'yan ang nais kong ibahagi sa inyo. ito ay tungkol sa aking karanasan sa isang bastos na motorista. kaya naman napasulat ako agad agad kay Ate Charo upang ibahagi ang aking istorya.
heto po ang aking liham.
Dear Charo,
I-shogo 'nyo na lang po ako sa namesung na Bernadette, short for imbiernang badet. Nakasanayan ko na po ang matinding trapiko sa C3 at minsa'y walkathon ako mula sa lrt station hanggang sa aming munting balur dahil nagmimistulang parking lot ang highway. Wala akong choice kundi ang mag-catwalk habang nagwe-wave wave pa sa aking mga fans sa kalsada. Charoz! Syempre, aniz pa ba ang gagawing kong runway kundi ang sidewalk. Siguro naman po alam 'nyo rin po kung ano ang sidewalk, 'wag po kayong shunga, Ate Charo. Chariz! Ngunit marami po tayong mga kababayan na may pagka-shunga rin at tila laging nagmamadali kung kaya't ang kanilang mga motorsiklo ay pinapaharurot ng walang habas sa sidewalk. Opo, Ate Charo, sa sidewalk. Kami pang mga pedestrian ang kailangang gumilid para lamang makadaan ang kanilang motor dahil kung witchels kaming tatabi, bubusinahan nila kame na tila may sarili silang lane at nakahambalang kame. Ang sakit po nun tanggapin, Ate Charo. Makailang ulit na po ako nakipag-murahan sa ilan sa kanila at pinamukha na mali ang kanilang ginagawa. Feeling law abiding citizen ang lola mo na parang ire-recite ko pa sa pagmumukha nila ang batas na mali ang ginagawa nila sa kalsada. Mabuti na lamang at wala pa namang huminto at nagyaya ng suntukan. Lalaban po ako bilang isang byuripul boxer. Charms! Ngunit may isa pong motorista akong naka-engkwentro. Masama ang kanyang ugali, pati na rin ang pez. Charlotte! Matapos naming mag-murahan sa gitna ng kalye, nagtagumpay akong pababain siya sa kalsada. Iwinagayway ko ang bandila ng mga badesa at parang betchikola akong buhatin ng mga kasabay kong pedestrian upang ipagdiwang ang aking tagumpay. Charot! Hindi pa pala tapos si koya, lumingon siya at minura akong muli. Sa aking inis ay wit na akong nakapagpigil at binato ko siya ng maliit na bato. Hindi siya tinamaan. Nagulat ako dahil talagang palaban si koya, binato niya ako ng isang plastik na may lamang kanin. Tama po, Ate Charo. Muntik na ako dun kaya kumaripas na ako ng takbo at baka may naka-shogo pang ulam sa kanyang motor. Mahirap na, baka binagoongan pa ang ulam. Char! Ang nais ko lamang pong malaman ay kung naiba na po ba ang kasabihan. Totoo po kayang 'pag binato ka ng bato, batuhin mo ng isang plastik ng kanin na ngayon? Nawa'y maliwanagan po ako at sana'y maliwanagan din po ang mga motorista sa pagsunod sa ating batas trapiko at sa tamang daanan para sa kanilang mga sasakyan. Maraming salamas po.
Have a great hair day, Ate Charo.
Mwahlaplap!
Bernadette aka Nyora
Hahaha, winner pa rin ang humor mo as ever!
ReplyDeleteWelcome back! Kailangang ipagdiwang ang pagbabalik ng iyong kagandahan! Ilabas ang lechon! Patugtugin ang mga bombo! Ihain ang mga otoks! Charottt!
Graveh naman ang ganyang mga tao, laging pinaiiral ang init ng ulo. Tama ang ginawa mo teh. Sabi nga: Kapag nasa katwiran, ipaglaban mwah!
Infairness kay kuya ha, generous siya. Ang tinapay pang-snack lang ‘yan, eh ang kanin pwede nang pananghalian. Char!
Buti na lang shumokbo ka na, malay mo mainit na sinabawan ang ulam, or worst baka dinuguan.
Nawa’y masolusyunan nga ni Ate Charo ang problema mo, hehe.
BTW, Happy New Year to you! Sana’y swertehin ka ngayong taon na ‘to. Stay byuriful! :)
thank you so much, bax! trux to go ka jan! shokot ko lang kung meron talagang mainit na sabaw na naka-shogo so motor ni koya. hahaha.. andami mo na palang ganap sa blogosperya. sa off ko babasahin ko yang mga yan bilang normal na engkantada na ulit ako ngayon. chariz!
DeleteNA-MISS KITA, NYORA!
ReplyDeleteHindi na ako nagsusulat, pero paminsan-minsan ko pa ring binubuksan ang aking Blogspot, nagbabakasakaling may post na ang mga paborito kong blogger. Mabuti na lang may bagong entry ka na! I'm so happy! :)
Sana mas maging madalas ang mga kwento mo. Tawa ako ng tawa sa plastik ng kanin. Hahaha!
More please! :D
haymishu rin, sepsep!
Deletethank you so much!
azar ka namern! hindi ko man lang nasulyapan yung ilan sa mga huling isinulat mo. sana balikan mo pa rin ang pagsusulat, hanggaling mo kaya. framis!
hopefully ma-shopos na yung ginagawa kong anik anik para sa gazette sa aming department dahil andami kong gustong isplukara dito tungkol sa aming El Nido Escapade at bilang new year betchikola ko rin gumawa ng horoscope. hihi. excited na akeli!
Uy! Nyora! I miss you! Magrereyna na naman yang beauty mo ha!
ReplyDeleteRegarding to your story, hayaan mo na lang sila. Di kasi natin maiiwasan ang mga pasaway and palaban sa paligid natin kahit hindi naman talaga natin sila maiiwasan.
I miiisss youuu Nyora! *muah!* :*
hellerrrrr jay! haymishu rin! mwahlaplap!
Deletesince witchikels naten silang maiiwasan, witchikels ko rin silang tatantanan!
tantaran, chuchurutchurut (awitin sa tono ni willie revillame)
charms!
Of course Nyora, kailangan din naman nating ipagtanggol ang sarili all the time... basta ba, kakayanin alang-alang sa kapakanan ng sarili #RealTalk
Deletetrux to gow ka jan, jay! hihi
Delete