Wednesday, January 21, 2015

Nyorascope

Aquarius (Jan 21-Feb 21)
✰✰✰ magtrabaho ka ng bongga kung gusto mong keyk ang naka-display sa lamesa ‘nyo sa bortdey mo at hindi putok or pan de regla with candles #HeypiBortdey
♥♥♥♥ ang mala-walis at patay mong hereret ang dahilan kaya’t siya’y nabighani sa’yo. i-maintain mo yan mars #MarsMarianMeyteyn

Pisces (Feb 22-Mar 21)
✰✰✰ feel na feel mo ang pagiging head turner. habang nakatingin sila sa’yo, mahigpit ang pagkakayakap nila sa kanilang bagelya #IsnatserLook
♥♥♥♥♥ para kang may braces ‘pag kaushap mo siya. teh, pwedeng ibuka ang bibig ‘pag nagshashalita. #InshtantBreyshesh

Aries (Mar 22-Apr 20)
✰✰✰ tantanan mo ang pagkulut kulot mo ng hereret. hindi porket tapos na ang pista ng Nazareno ay ligtas ka na sa mga namamanata #FridayIsNoKulotDay
♥♥ makakatanggap ka ng flowerette mula sa kanya, poinsettia itu teh. ibabato niya sa fez mo kasama ang paso #PeaceBeWithYou

Taurus (Apr 21-May 21)
✰✰ unli kape ka pa naman sa starbucks sa ngalan ng planner, eh ‘yung nakuha mo nga last year never mo pa nabuklat. #DisplayTeh?
♥♥♥ parang 1 week siyang naka-marinate sa Downy with passion sa sobrang lambot, tapos straight? k. #LoveIsBlind

Gemini (May 22-Jun 21)
✰✰ punuin mo man ng bagua ang paligid ang jopisina at work station mo, walang jojosok na swerte kung naka-tengga ka lang lagi at epbi ng epbi #PengShwi
♥♥♥♥♥ ang text niya sa’yo ay susunduin ka niya ng 10 pm. alas 12 pa lang ng tanghali putok na putok na muk up mo. #You’reSoExcitedAndYouJustCan’tHideIt

Cancer (Jun 22-Jul 22)
✰✰✰ black ang iyong lucky color, mula sa damit, undergarment, kutis at pati ngipin. basta black, ma-swerte! taong grasa? ganun! #BlackieLouBlanco
♥♥♥♥♥ aawitan ka niya sa harap ng madlang pipol ng makabagbag damdaming “Kapag Tumibok ang Fuso” at ipo-post niya sa youtube #SharamJaramShanJaran

Leo (Jul 23-Aug 22)  
✰✰✰ peyborit mong pulutan ang enervon. more energy, mas happy ka sa sa harap ng boss mo at opismeyts mo. #PerksOfBeingPerky
♥♥♥♥ Look a like ni Coco Martin ang nakalaan sa’yo na nakakubli sa shutawan ni Dagul. wala na raw bawian ang sabi ng stars. #WishUponAStar

Virgo (Aug 23 - Sep 22)  
✰✰✰ kahit araw araw ka mag-polka dots mula ulo hanggang paa, isama mo pa ang boom booroom boom bei mo sa fez mo, walang jojosok na datung kung tamad ka #'WagJuanShumad
♥♥ matuto daw maghintay sabi ni Papa God. binabalot na siya ng bonggang bongga for you para mai-deliver sa 2016. #WaitingInVain

Libra (Sep 23 - Oct 22)  
✰✰✰✰ kulang na lang pati labada sa jopisina mo na rin gawin. umuuwi ka pa ba? miss ka na ng family mo! #WorkLifeBalance  
♥♥ finally, mapapansina ka na rin niya ang ang byuri mo. lalapitan ka niya at ipapakilala sa kanyang pinakamamahal na jowalina #LaslasNaTeh

Scorpio (Oct 23 - Nov 22)
✰✰✰ kahit ubusin mo lahat ng ampalaya sa palengke at pumapak ka ng 50 grams na kape, hindi talaga ikaw ang na-promote #BangonTeh
♥♥ iisa lang ang itinitibok ng inyong puso. hindi ito MU, iisang lalaki lang ang isinisigaw ng mga makakati ‘nyong fuso. #Fuso,Fuso,BakitKaGiniba?

Sagittarius (Nov 23 - Dec 22)
✰✰✰ mapapagkamalan kang big boss, suot ang kabugera mong corporate attire habang nagsusumigaw ang 'yong butch (boots) with furrr at naka-shades ka pang gaga ka. #FasyonPasyon
♥♥♥♥   feeling niya, lagi mong suot ang blusang itim. lagi kang maganda sa kanyang paningin. #DressToImpress

Capricorn (Dec 23 -  Jan 20)
✰✰✰✰✰ ramdam ng boss mo kung gaano mo ka-love ang trabaho kaya naman may good news siya sa’yo, pwede ka raw mag-Unli OT #KayodKalabaw  
♥♥ kakaripas ka ng takbo papasok ng inyong balur dahil may nakita kang puting usok na lumabas sa inyong tsimineya. feelingash mo? may bago kang papa? #SunogNaSinaingLangPala

12 comments:

  1. December 30 ako, Capricorn

    Wala pa akong work pero, over naman yan Nyora! Paano naman ako magkakaroon ng 'papa' kung hindi naman ako valadge?
    Funny sa ibang signs, ang mamalas lang ng fate nila. Aakalain nilang makakakuha na sila ng solusyon sa fate nila pero kunsumisyon pala.
    Ayokong tumawa, sasakit dibdib ko.
    #PigilTawaMode

    ReplyDelete
    Replies
    1. witchikels ka nga palang badesa mae. eh di jowalina. maliit na bagay, jay. wag pinalalaki. charoz! mwahlaplap! hihi

      Delete
    2. Mamelita na lang nyora, ahahaha!!!
      #Push na ituuu!!!!!.....

      Delete
    3. nyeta ka, jay! anu yang mamelita? hahaha.

      Delete
  2. Gemini akiz. Nebeyen ang malas ko naman pala sa work. Actually wala pa nga pala ako nagwo-work. Haha.

    “alas 12 pa lang ng tanghali putok na putok na muk up mo.”

    Nyahahaha! Mura siguro ang kilo ng mukap ngayon kaya inubos lahat sa feslaboom baroom boom boom baroom boom beis. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre charla lang ang lahat ng 'yan, bax! nasa kamay pa rin naten ang ating pyutyur. kaya laban lang! hihi

      Delete
  3. syempre charla lang din ang sinaveh ko. hihi.

    Di ba November ang bortdey mo? Siguro Sagittarius ka mam. Di kase mashadong hard ang predictions nito compared sa Scorpio. Syempre dapat pabor sayo ikaw ang gumawa eh. Nyarot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wit wit wit, bax! scorpio ang lola mez. hindi bias ang Nyorascope, mga bituin mismo ang kumembot niyan. chariz!

      Delete
  4. Aries ako 'teh. O siya, itatago ko muna si curling iron. Next week na lang ako mag-iinarte. *hahahahaha*

    Pero ang hard ni Love sa akin ha. Di naman kailangan isama ang paso.

    ReplyDelete
    Replies
    1. malay mo naman ganun lang talaga katindi ang pagmamahal kaya pati paso kasama. chars!

      Delete
  5. grabe naman prediction sa Leo I think it suits me talaga

    ReplyDelete
    Replies

    1. Welcome sa aking blog, simon. Eme emeng prediksyon lang naman yan ni nyora. Kung se senaida zeba nga pumapalya minsan, ako pa kaya. Charoz!

      Delete

chika ng mga rampadora