Thursday, May 29, 2014

Nyora vs. Bruha


payapang binabagtas ng bus na aking sinasakyan ang kahabaan ng buendia. nakaupo akosa kaliwang bahagi ng bus na pang-tatluhan. may babaylan sa aking side at may espasyo sa pagitan namin. huminto ang bus sa pasong tamo at nagsakay ng mga pasahero. isang babaylan nasa pagitan ng 30-40 ang tumayo sa aking gilid. naka-shades pa ang bruha habang bitbit ag dugyot niyang bagelya at nanggigitata niyang umbrella ella ella eh eh eh. tumagilid ako upang makapasok siya at makaupo sa gitna ngunit bigla niyang sinabing,


BRUHA: umusog ka kaya!


nagulantang si Nyora at sumagot with poise,


NYORA: ikaw ang pumasok, madame. kararating mo lang. 'wag mo akong artehan.


naloka lang siya sa kanyang narinig. umupo siya sa gitna. gamit ang aking peripheral vision, alam kong nakatingin siya sa'kin. kahit na hindi ko nasa-sightsung ang kanyang mga mata, alam kong matalim ang kanyang mga titig. may galit. may poot. puno ng pag-iimbot. hindi ko nakayanan kaya tiningnan ko rin siya, may smirk pang kakabit sabay irap.


BRUHA: kung ayaw mong nasisiksik, mag-taxi ka!!! (halos maputol ang litid ng impakta) anu'ng problema mo?


NYORA: ako, wala. ikaw mukhang meron (sabay smirk ulit)


at nagsimula nang mag-ingay ang impaktitang palengkera. kung aniz aniz ang lumalabas sa kanyang makasalanang veveklavush (bibig teh). si Nyora, deadma. ang bruha, tuloy lang. naisip ko kasi ang mga katagang iniwan sa akin ng isang kaibigan.

"ANG KAAWAY AY PARANG JOWALINA (JOWA) LANG, PILIIN ANG PAPATULAN"

kaya ako nagdesisyong witchels ko na lang siyang pansinin. ngunit dahil wala pa rin akong nyelpown or music player na maaari man lang magamit (dahil nga ninenok ng mga hayuf na holdapers) ng mga monyument na 'yun, wala akong choice kundi tiisin ang bunganga ng bruha. ngunit napatunayan ko na ang pasensya ay may hangganan. tiningnan ko ng masama ang bruha at sinabing,

NYORA: hindi ako pumapatol sa gaya mo pero pagbibigyan kita. mukhang araw mo ngayon.


BRUHA: ka-lalaki mong tao pumapatol ka sa babae (at ako pa talaga ang pumatol ha? duh.) siguro hindi ka talaga lalaki. siguro nga. 


NYORA: hindi nga! bakla ako. 


BRUHA: kaya naman pala. (sabay ngisi pa ang gaga)


NYORA: ikaw siguro hindi ka babae. sa'ting dalawa ikaw ang mas mukhang bakla.


natigilan ang bruha sa kanyang narinig. dinugtungan ko pa.


NYORA: sana man lang inayos-ayos mo 'yang ugali mo para ma-compensate man lang 'yang pagmumukha mo. 'yung mukha mo directly proportional sa ugali mo. parehong chaka!


alert ang mga sho-o-belles sa bus. ang mga hayuf parang pinanunuod sina Nicole at Monica ng The Legal wife. sabik na sabik sila sa mga palitan ng linya.


BRUHA: wow! ang ganda mo ha!


NYORA: thank you! (smirk ulit. peyborit ko na tuloy 'yun.)


BRUHA: manalamin ka muna uy! (ang korni, may "uy" pa sa dulo ang gaga)


NYORA: sure! (inilabas ko ang two-side mirror ko mula sa aking bagelya at nag-ayos ng hereret) tama ka teh! ang ganda ko nga. gusto mo makita fes mo?


BRUHA: wow ha! kape kape ka rin uy! (ka-imbiyerna talaga ang "uy" ng bruha. sarap bigwasan!)


NYORA: ikaw ang kelangan nerbiyusin teh.


BRUHA: talaga lang ha! blah. blah. blah.


siguro sapat na ang ilang minutong inilaan ko sa bruhildang 'yun para ipaalam sa kanya na nakahanap siya ng katapat. hindi ko na inintindi lahat ng sumunod niyang kinuda. napagod din naman ang bruha. ngunit napansin niya yatang malapit na akong bumaba nang sinukbit ko na ang aking bagelya. kaya naman ako na mismo ang nag- aylabyu gudbye sa kanya,


NYORA: bye teh! mami-miss kita.


ngumisi lang ang gaga.


NYORA: payo ko sa'yo, wag mo na suot 'yang shades mo next time ha. mas bagay sa'yo ang maskara.


BRUHA: bakla! (may pahabol pa ha!)


NYORA: thanks! mukhang bakla!


ako pa ba ang magpapakabog????? wit wit wit! ang sabi ng ibong marikit!

Thursday, May 22, 2014

Madame LV

elegant. sophisticated. glamourous. witchikels maabot ng mga karaniwang nilalang. ganyan ko mailalarawan si Madame LV. elite. char lang mga badesa mae. 'yan pala ang mga salitang betchikola naming ma-achieve ni madame (onting pagmamaganda na lang maiuugnay na talaga sa aming byuri ang mga salitang 'yan. extra chos!)

halos anim na taon na ang nakalipas mula ng aking makilala si Madame LV sa aming shala shalahan kunong kumpanya. ang shutawan niya ay kawangis ng mga muher na kadalasan nating nakikita sa mga runway, pang-mowdel ang body ng babaylan divah? although hindi siya ganun katangkad (hindi tulad ni Nyora, the ultimate pakangkang divah, na nakikipagsabayan sa height ni Miss Melanie Marquez. charla!), keri pa rin naman at angkop lang sa kanyang borta. ma-chika siya, ma-chika na may sense. meron kasing mga sho-obelles (tao) na more more chika, witchels namang saysay ang mga lumalabas sa bebeklavush (bibig). sa madaling salita non-sense. smart si Madame LV. mahilig sa lahat ng uri ng arts. isa rin siyang bookworm. mahilig mag-travel ang lola 'nyo. relihiyosa rin siya ngunit not your typical manang na with belo tuwing uma-attend ng mass. lalabanan ka niya suot ang kanyang mini skirtypops na parang si julia baretto aka mirabella (flores? charmoist!)

marami kaming similarities ni Madame LV, bukod sa natatanging byuri at hindi matatawarang alindog, pareho kaming kapamilya, kapamilya stars. check republique ka 'jan, Ate Charo. pareho kaming contract stars ng kapamilya network. char lang! ang betchikola kong sabihin ay pareho kameng makapamilya at kahit na sa aming edad (pa-sweet 16 si Madame LV at ako naman ay katorse lamang. char!) ay hindi pa rin namin naiisip na bumukod dahil alam naming kailangan pa rin ng aming kani kaniyang pamilya ang suporta. 

pareho kaming lumaki sa isang pamilyang pinagkaitan ng karangyaan (although ka-level namin ng ganda si Diana at Kate kaya wiz halata. char!) at nangarap na balang araw ay maiaahon ang pamilyang nasadlak sa putikan (exagg? chariz lamang!). ang kwento ni madame ay wiz na bago sa pandinig ko. knowsline ko ang kanyang mga pinagdaanan. nagsumikap ang lola 'nyo na makatapos ng kolehiyo upang makahanap ng winner na trabaho. 

dahil sa sipag at tiyaga ni Madame LV naka-getlak na rin siya ng balur somewhere in south at doon nakatira ang kanyang mga shupatembang, shumangkin at mudrabelles. opkors tumutulong rin siya sa mga pagbayad ng mga bills, bills, bills nila sa balur pati rin sa pagpapaaral sa kanyang mga shumangkin. bukod pa 'jan, mahilig din siyang umeksena sa mga charity kumembular kung saan nabuo niya ang "little ways". iba ibang grupo na ang ang nahandugan ng tulong ng kanyang "little warriors", mga simpleng bagay na makakatulong para sa pang araw araw na pangangailangan nila. hangtaray lang ni Madame LV davah? Princess Diana lang ang peg?

hindi ko naman masyadong pinagpupurihan si Madame LV dahil kaibigan ko siya, tunay naman kasing byuriful siya inside and out (like me? ayaw patalbos? char!) ngunit sa kabila ng kanyang mga nakamit na tagumpay sa life (hangtaray davah? parang bortista lang na nasa peak ng bonggels na career), may mga araw na nakakaramdam ng lungkot si Madame LV. sa kanyang edad na... 16 (chariz lamang!), mayroon siyang isang lihim (lihim nga ba ito?) isa siyang birhen. puro. dalisay. busilak. never been kissed, never been touched. NBSB, no boyfriend since birth. may mga oras na nakakaramdam siya ng emptiness (emptiness daw oh?), may pagtatanong sa kanyang sarili kung kailan darating  ang right guy (baka left ang darating madame?). may shokot na tumandang dalaga at hindi man lang naranasang masaktan dulot ng pag-ibig (masaktan ang puso at ang .... char! hahaha.. peace tayo, madame!)

knowsline ko namang ready na siya sumubok (sa fag-ivig ha!) at mukhang handa na rin naman siya sa mga bagay na maaaring idulot nito sa kanya. siguro more more patience lang talaga ang kailangan niya dahil I truly believe (parang Miss Universe lang?) na may nilaan talaga para sa kanya si Papa Bro na tunay na magmamahal sa kanya at magpapakulay sa kanyang buhay at magpaparanas sa kanya ng mga bagay na nararapat na tinatamasa ng isang tunay na babaylan.

kaya naman kay Mr. Right, utang na loob!!! 'wag mo ng paabutin ng kwarenta or singkwenta anyos si Madame LV! nananabik na siyang makilala ka! 'wag kang umano 'jan! aarte ka pa ba kay Madame? juice ko! hindi ka na lugi 'jan no! kaya ano pang hinihintay mo? sakay na! char! 

Madame LV, manalig tayo. parating na si Mr. Right, medyo naligaw lang siya ng landas (knowsline mo na ang ibig kong sabihin). bitbit niya ang mapa, tatahakin niya rin ang tamang landas papunta sa fuso mong fihikan.

Tuesday, May 13, 2014

langit, lupa, impiyerno. im, im, imbierna!

puno ng ng pangamba ang aking puso. may takot na namumuo sa mga sandaling 'yun. lalabas akong muli at haharap sa kanya, siya ang matindi kong kalaban sa ganitong oras, si sunshine. 

hindi pa achieve na achieve ang aking goal na tuluyan na akong lubayan ng malabatis kong kili kili. may ilang linggo ko na ring sinusubukan ang newly discovered kong Driclor (strong anti-perspirant). inferlu, sobrang laki ng pagbabago simula nung ginamit ko siya although may mga araw na hindi talaga maiwasan ang pagdanak ng pawis dahil na rin sa tindi ng init lalo na't summer. hindi ko na kailangang tapalan ng tissue (courtesy of pantry) ang magkabilang kylie ko at hindi ko na rin itutuloy ang balak ko na subukan ang charmee or whisper cottony clean ('yung walang wings ha. char!) para lang buong laya kong naitataas ang aking arms na na walang pagaalinlangan na baka bakat na bakat ang wetness indicator sa suot kong damit. 90% pa naman ng kulay ng mga damit ko, puro matitingkad ang kulay. feeling ko kasi isa akong peacock. char!

nung araw na 'yun, fokfok fink ang suot ko. ang ganda ganda ko raw kasi sa fink (feeling ko inuuto lang ako nung mga nagsasabing ka-opisina ko, feel na feel naman ng gaga kaya panay fink ang suot. haha). tumambad sa akin ang matinding init ni sunshine, parang puno ng pag-iimbot sa akin ang bruha, tirik na tirik. parang susunugin ang aking alagang silka papaya soap at nivea whitening kumembulin na skin. pero hindi 'yun ang aking major (as in major, major. hi teh venus raj raj rah ah ah, roma ro ma ma. gaga, king ina. char!) concern kundi ang aking kylie. Mariah Scarey talaga, Ate Charo. hindi ako handa sa mga tingin na may pangungutya mula sa mga madalang pipol sa labas sakaling makita nila na basa ang aking kylie. baka sabihan pa nila akong malakas ang loob na magsuot ng ganung kulay, Baskil Valdez naman pala ako. nooooooooooooooooo!!!

pero hindi naging mapait ang tadhana ko nung araw na 'yun. pagdating ko sa sakayan ng bus, kaagad akong nakasakay ng walang kahirap hirap. winona ryder talaga! winerva rin 'yung bus na nasakyan ko, hanglamig. parang nag-import pa sila ng yelo mula sa north pole. hindi katulad ng ibang bus na parang apoy ang inilalabas ng aircon at nakukuha pa ni manong driver na punuin ang bus na parang spanish style sardines ang mga pasahero. mabuti sana kung kalamigan ang loob ng bus (daming issue? hahaha).

matiwasay akong nakababa ng bus at syempre walang kamatayang runway walk na naman ang eksena ko patungong lrt isteysyen. may I open ako ng akong umbrella ella ella eh eh eh na kulay turquiose (yiz! chrewlilibambam, mga kapamilya. turquoise po ang kulay niya. at kay Katya siya nanggaling) ilang sandali pa ang naghiyawan ang mga tao sa aking pagdating sa lrt. char! ang saya ko lang dahil walang pila. kaya pala walang pila dahil halos lahat ng tao nasa loob na yata ng istatsyon. nyeta. kaloka. parang ito na yata ang magiging mitsa ng pagluha ng aking kili kili.

unti unti pang naipon ang mga tao dahil ilang tren na ang dumaan na puno ng pasahero at may dalawang skip train pa ang nag-hello lang sa'men. ito na yata ang sinasabi nilang impiyerno. mainit. maraming tao. maraming chaka. char! maraming ma-kyoho.

finally, dumating na ang pinakaaasam kong tren. ang sabi ko sa sarili, sasakay na ako kahit anu'ng mangyari. hindi ko na kakayanin pa 'pag nagtagal pa ako sa kinatatayuan ko. baka mag-collapse na ang beauty ko. wala pa namang gwapong lulurki ang pwedeng sumalo sa'ken at sagipin ang aking buhay sa papamagitan ng bonggang bonggang cpr. char!

syeeeet! ayan na! at siksikan nga ang mga masa. char! pinilit kong makapasok sa kagustuhan kong makauwi na upang  makapagpahinga at makapaligo. ini-imagine ko na magbababad ako sa bath tub na punung puno ng milk with rose petals habang  sumisingaru ako ng "like a touch from a rose" ni teh anne curtis gaya ng sa commercial niya. at kung susuwertihin ka nga naman, kung kelan bugbog init sa tag-init, 'yung sira pa ang aircon ang nasakyan ko. nakakalurks! sarap tadyakan nung bangs nung babaeng katabi ko. char! kulang na lang ay ilabas ko ang rosaryo sa aking bagelya at pipiliin ko na lamang taimtim na manalangin at baka sakaling magkaroon ng himala at umihip ang napakalakas at napakalamig na hangin mula sa aircon ng bulok na tren. pero wit wit wit!, ang sabi ng ibong tiririt! mortal sin ang paggalaw ng anumang parte ng shutawan mo sa loob ng tren. exagg talaga ang siksikan. wala ng ring silbi ang mga safety handrails sa loob dahil kahit mag-ala-rollercoaster ang lrt, hinding hindi ka tutumba sa sobrang siksik. 

amoy sunshine, amoy sinigang na kylie, amoy imburnal na hininga at kung anu ano pang hindi masyang amoy pa ang naghalu halo sa loob. idagdag mo pa ang tumatagaktak na pawis ng mga pasahero dahil sa matinding init at mga chakang constru (kasi ba naman andami nila lagi eh. may issue? char!), impiyerno davah? yun lang talaga ang naisip ko. saktong sakto, meron pang dalawang demonyitang muher ang daldalan ng daldalan na animo'y kakatapos lang nila magkutuhan at nagti-tsismisan tungkol sa mga naliligaw "daw" sa kanila. mga ambisyosa! (may issue rin? chos!)

mabait pa rin talaga si Papa Bro at nalampasan ko ang delubyong dinanas ko. natakot kasi ako na baka magkaroon pa ng technical error kumembolin ang tren at ma-stuck pa kame doon ng mahabang oras. kung nagkataon baka hindi ko na kayanin ang mga susunod na pangyayari at baka biglang pindutin ko ang emergency button at tumalon na lamang ako mula sa riles para wakasan ang makulay kong buhay. char! (masama 'yun ha! 'wag gagawin 'yun!)

para akong ginahasa ng isang batalyong demonyo ng makasakay ako ng jeepney spears patungo sa aming balur. pero naisip ko, ilang minuto na lamang at makakapagpahinga na rin ang nalaspag kong ganda. char!
habang pinupuno ng pasahero ang jeepestra, sumakay si lola manang at umupo sa katabi ko. maya maya pa'y may inilabas sa kanyang mahiwagang bagelya na mga papel at isa isang iniabot sa mga naghihintay na pasahero. naisip ko, baka manghihingi ng abuloy 'to. dinedma ko kasi ang nakasulat sa papel. napansin kong binabasa ng mga pasahero ang nakasulat sa papel maliban sa'ken at ako'y na-curious. tiningnan ko ang nakasulat, may kahabaan. tiningnan ko si lola manang at tinanong, 

AKO: para saan po 'to 'la?

LOLA: basahin mo! salita ng Diyos. iaalis ka niyan sa IMPIYERNO.

at ako'y natigilan. syet lang. mukha ba akong KAMPON NG KADILIMAN? imbierna! sa kabilang banda, naalala kong muli ang sinapit ko sa tren at naisip kong, basahin siya lagi tuwing sasakay ako ng tren. dahil ang tren na 'yun ang impiyerno. char!