rush hour.
katabi ko (sa kaliwa) si manong intsik. simple pero mukhang shala. parang pupunta sa isang abandonadong factory ang effect niya upang i-meet ang kanyang mga hawak na bata/goons. smuggler/drug lord ang dating ng lolo mo.
sa kanan ko naman ay si kuyang constru. suot ang loose shirt, pakak na pakak baggy pants at super wear din siya ng pares ng makasaysayang islander habang bitbit ang kanyang bagelya na may tatak na... (wag ka ha!)
jaraaaan!!!
NORTHFACE na...
...JAPEYKS (well, ayon ito sa minadaling pagbuburda ng tatak at ng tela na kawangis ng sa sako. chos.)
judgemental lang? charms!
feeling fresh naman ang eksena ko. feeling ko sumapi sa'kin si Kim Chiu ng mga sandaling 'yun. parang sampung whisper cottony clean ang nakasalpak sa kili kili ko. ni hindi ko man lang narinig na nag-alarm ang wetness indicator. may pa-sweet moves pa ang bruhilda sa saliw ng musika nina teh Britney at Will.I.Am.
nang biglang...
" Ugaliin po nating humawak sa mga safety handrails. I-check ang card na gagamitin upang makalabas sa istasyon. ugaliin din po nating i-check ang mga gamit bago bumababa ng tren (super check naman si koya as if may gintong martilyo at lagare ang bagelya ng futa) at MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT. Maraming salamat po,"
ang paalala ng lrt operator.
sabay tumingin si lolo drug lord at si kuya constru sa'ken. sabay sila. yiz, Ate Charo! sabay na sabay! parang nag-practice. futa lang. hahahaha...
so sino ngayon ang judgemental???