Friday, April 10, 2015

weyting por tonayt


12:15 PM. kasasakay lamang sa bus na naka-tambay along buendia near lrt station. bonggels 'yung bus. mejo bulok. mahina ang aircon. marumi na 'yung ilang upuan. mas marumi pa sa budhi ko. chars. bonggels na sa'kin yun. paki 'nyo!

12:23 PM. naka-tengga pa rin ang bus. dalwang kanta na ang napakinggan ko mula sa aking telepono. halos kalahati na ng bus ang napuno samantalang tatlo lamang kami nung nag-enter the dragon ang byuri ko.

12:28 PM. nagmumura na ako. kausap ko ang sarili ko. tinotoyo na talaga ang bakla. parang betchikola ko na lang pasabugin 'yung bus at ituro 'yung babaeng nakatabi ko bilang salarin. gagawa ako ng istorya na may bringalu siyang plastic bag na naglalaman ng bomba at hindi ko napigilan ang maitim niyang balak. Selina kunwari ang namesung niya at magpapakilala ako bilang si Via (hodeva? hanglakas maka-Mula sa Fuso)

12:37 PM. halos hindi ko na kinakaya ang paghihintay. tutubuan na yata ako ng ugat mula talampakan hanggang bunbunan. halos puno na ang mga upuan pero parang bet nung konduktor na punuin talaga ang bus hanggang pintuan, 'yung tipong halos wala ng madaanan sa sobrang siksikan. 'yung parang magko-concert ang One Direction sa loob ng bus at puro fans nila ang sakay.

12:40 PM. patawarin ako pero 'KING INAMEZ 'YAN! wala akong planong manirahan at magkapamilya sa bulok na bus. dahil nasa likuran lamang ako ng bus driver, may I kalabit ako sa kanya at pa-sweet kong sinabi,

NYORA: pwede po magtanong?

DRIVER: saan ka ba? (nyeta! wala pa ngang question and answer portion, nangunguna agad)

NYORA: sa RCBC plaza po. kelan po ba ang alis nitong bus?

DRIVER: kung naiinip ka na, bumaba ka. (tinawag ang konduktor) bayad na ba 'to? balik mo na lang bayad nito kung naiinip na

NYORA: ay hindi po. WILLING TO WAIT po ako. nagtanong lang po.

HAYUP ka, manong driver! muntik mo na ako ipahiya. magkikita pa tayo. lintik lang ang walang ganti (at ako na ngayon si Selina) Charoz!
smile emoticon

Saturday, April 4, 2015

yakult, ebri day okay!

NYORA: miss, saan po 'yung yakult 'nyo?

SALES LADY: (itinigil muna ang pag-aayos ng mga noodles) d'un po sa dairy products 

NYORA: ah.. salamat!  (malamang! saan nga banda?) tanong po ulit. totoo po ba na may LACTOBACILLUS SHIROTA STRAIN 'yung yakult na nakakatulong sa ating katawan??

SALES LADY: ano po yun? (namutla ang gaga. halatang na-shocked sa q&a portion)

NYORA: haha.. loko lang po. may one liter po ba nun?

SALES LADY: ang alam ko 'sir yung maliliit lang talaga.

NYORA: tama po! dahil 1 yakult everyday lang naman ang kailangan naten eh. baka masama kapag sumobra (mamaru ang bakla, nagmamarunong, akala mo truelagen ang mga pinagsasabi. hihi). last na po. (mukhang hindi na natutuwa si ate. may palihim na pag-ismid na naganap.) wala na po pala. teynks!

nilayasan ko na si ateng at baka huling bisita ko na 'yun sa supermarket na 'yun 'pag hindi ko siya tinantanan. pero huling tanong na lang talaga

OKAY ka ba tyan, teh?

SABADO DE GLORIA



Taong 2010. Sabado de gloria. Mukha pa ring biyernes santo ang fez ko. Hapon na pero witchels pa pala ako nakakaligo. Napuna ko na wirishima na pala akembang sunblock para sa fez kaya napwersa ko ang shutawang lufa ko na maligo para bumayla sa pinakamalapit na convenient store. 

Nyeta. Walang sabon! Naghanap ako at ilang sandali pa'y.. tsararan! Parang Yamashita's treasure kong nahanap ang sabown at ang sabi sa karton ay "DOVE", with moisturizer pa raw, na nakatiwangwang sa cabinet. Shokot akong gamitin dahil  sanay ako sa perla at tide with bleach (Only Perla touches my skin. who touches yours truly? chariz). Choz! Dahil yun ang available, nilabhan ko agad ang sarili ko using dove. Ang susyal ng feeling. Sa sobrang moisturized yata ng balat ko, nakasampung banlaw na ko pero parang may sabon pa rin. Nyeta! Pero deadmaru na! Dahil nga shala yung sowp, feelingash ko ang ganda na ng skin ko. Mabango. Kaakit akit. Puting pang dyosa (Everybody sing with me! "I feel your soft caress upon my skin, like atouch from a roooooooooooooose!" hodevah teh anne curtis lang ang drama). Parang napansin ko mejo niloloko ko na ang self ko na byuripul ang balat ko. Nagbihis na ako. Suot ko ang peborit kong yellow PE shorts (nung lilet pa akez) at white shirt. Kahit mukhang basahan, pinaniwala ko ang sarili ko na freshly baked ako tingnan. 

May I para ako ng jeepney spears para wit umiyak ng todo ang kili kili ko. May napuna ako sa katapat ko, tila may dinudungaw. Beki rin. Chrewlilibambam, Ate Charo. Badaf. Badesa Mae. Badidap. Bakit? Fokfok fink lips, check republique! mascara, check republique! sampung layers ng funda, check na check republique! Kung may istreyt na ganun ang drama, sampalin 'nyo ako gamit ang kamay ni Madame Cheri Gil. 

Parang abala talaga siya sa pagdungaw kung sa kinauupuan kez. Witchels akong nagkakamali at wiz ako feelingera.  obvious and hitad. Hindi ko na kinaya kaya naglakas loob na akong tanungin si badaf.


NYORA: anung araw po ngayon?

BADAF: *(may pagtataka ngunit sumagot) Sabado.

NYORA: mismo! kaya bukas pa ang EASTER EGG HUNTING.


punyetang badidaf yun! balak pa yatang malason. may pagsipatsipat pa siya sa bettylog belmonte station. as if matitikman niya. charoz!