Wednesday, January 21, 2015

Nyorascope

Aquarius (Jan 21-Feb 21)
✰✰✰ magtrabaho ka ng bongga kung gusto mong keyk ang naka-display sa lamesa ‘nyo sa bortdey mo at hindi putok or pan de regla with candles #HeypiBortdey
♥♥♥♥ ang mala-walis at patay mong hereret ang dahilan kaya’t siya’y nabighani sa’yo. i-maintain mo yan mars #MarsMarianMeyteyn

Pisces (Feb 22-Mar 21)
✰✰✰ feel na feel mo ang pagiging head turner. habang nakatingin sila sa’yo, mahigpit ang pagkakayakap nila sa kanilang bagelya #IsnatserLook
♥♥♥♥♥ para kang may braces ‘pag kaushap mo siya. teh, pwedeng ibuka ang bibig ‘pag nagshashalita. #InshtantBreyshesh

Aries (Mar 22-Apr 20)
✰✰✰ tantanan mo ang pagkulut kulot mo ng hereret. hindi porket tapos na ang pista ng Nazareno ay ligtas ka na sa mga namamanata #FridayIsNoKulotDay
♥♥ makakatanggap ka ng flowerette mula sa kanya, poinsettia itu teh. ibabato niya sa fez mo kasama ang paso #PeaceBeWithYou

Taurus (Apr 21-May 21)
✰✰ unli kape ka pa naman sa starbucks sa ngalan ng planner, eh ‘yung nakuha mo nga last year never mo pa nabuklat. #DisplayTeh?
♥♥♥ parang 1 week siyang naka-marinate sa Downy with passion sa sobrang lambot, tapos straight? k. #LoveIsBlind

Gemini (May 22-Jun 21)
✰✰ punuin mo man ng bagua ang paligid ang jopisina at work station mo, walang jojosok na swerte kung naka-tengga ka lang lagi at epbi ng epbi #PengShwi
♥♥♥♥♥ ang text niya sa’yo ay susunduin ka niya ng 10 pm. alas 12 pa lang ng tanghali putok na putok na muk up mo. #You’reSoExcitedAndYouJustCan’tHideIt

Cancer (Jun 22-Jul 22)
✰✰✰ black ang iyong lucky color, mula sa damit, undergarment, kutis at pati ngipin. basta black, ma-swerte! taong grasa? ganun! #BlackieLouBlanco
♥♥♥♥♥ aawitan ka niya sa harap ng madlang pipol ng makabagbag damdaming “Kapag Tumibok ang Fuso” at ipo-post niya sa youtube #SharamJaramShanJaran

Leo (Jul 23-Aug 22)  
✰✰✰ peyborit mong pulutan ang enervon. more energy, mas happy ka sa sa harap ng boss mo at opismeyts mo. #PerksOfBeingPerky
♥♥♥♥ Look a like ni Coco Martin ang nakalaan sa’yo na nakakubli sa shutawan ni Dagul. wala na raw bawian ang sabi ng stars. #WishUponAStar

Virgo (Aug 23 - Sep 22)  
✰✰✰ kahit araw araw ka mag-polka dots mula ulo hanggang paa, isama mo pa ang boom booroom boom bei mo sa fez mo, walang jojosok na datung kung tamad ka #'WagJuanShumad
♥♥ matuto daw maghintay sabi ni Papa God. binabalot na siya ng bonggang bongga for you para mai-deliver sa 2016. #WaitingInVain

Libra (Sep 23 - Oct 22)  
✰✰✰✰ kulang na lang pati labada sa jopisina mo na rin gawin. umuuwi ka pa ba? miss ka na ng family mo! #WorkLifeBalance  
♥♥ finally, mapapansina ka na rin niya ang ang byuri mo. lalapitan ka niya at ipapakilala sa kanyang pinakamamahal na jowalina #LaslasNaTeh

Scorpio (Oct 23 - Nov 22)
✰✰✰ kahit ubusin mo lahat ng ampalaya sa palengke at pumapak ka ng 50 grams na kape, hindi talaga ikaw ang na-promote #BangonTeh
♥♥ iisa lang ang itinitibok ng inyong puso. hindi ito MU, iisang lalaki lang ang isinisigaw ng mga makakati ‘nyong fuso. #Fuso,Fuso,BakitKaGiniba?

Sagittarius (Nov 23 - Dec 22)
✰✰✰ mapapagkamalan kang big boss, suot ang kabugera mong corporate attire habang nagsusumigaw ang 'yong butch (boots) with furrr at naka-shades ka pang gaga ka. #FasyonPasyon
♥♥♥♥   feeling niya, lagi mong suot ang blusang itim. lagi kang maganda sa kanyang paningin. #DressToImpress

Capricorn (Dec 23 -  Jan 20)
✰✰✰✰✰ ramdam ng boss mo kung gaano mo ka-love ang trabaho kaya naman may good news siya sa’yo, pwede ka raw mag-Unli OT #KayodKalabaw  
♥♥ kakaripas ka ng takbo papasok ng inyong balur dahil may nakita kang puting usok na lumabas sa inyong tsimineya. feelingash mo? may bago kang papa? #SunogNaSinaingLangPala

Tuesday, January 13, 2015

Isang Liham Kay Ate Charo

mabuhaaaaaaaaaaaaaay!

buhay na naman ang alindog ng lola 'nyo. busy kuno ang drama ng bakla nitong nakaraang mga buwan. talo ko pa ang iskeydyul ni kathryn bernardo sa dami ng ganap. matapos ang bonggels kong bortdey celebration with my chuvachuchu last November, power dance naman ang baklita sa opening prod sa aming company christmas parteeeey. after christmas, fly naman akiz with college prendsyip sa El Nido upang maghasik ng kagandahan. charoz!

ngunit hindi tungkol sa mga 'yan ang nais kong ibahagi sa inyo. ito ay tungkol sa aking karanasan sa isang bastos na motorista. kaya naman napasulat ako agad agad kay Ate Charo upang ibahagi ang aking istorya. 



heto po ang aking liham.




Dear Charo,

I-shogo 'nyo na lang po ako sa namesung na Bernadette, short for imbiernang badet. Nakasanayan ko na po ang matinding trapiko sa C3 at minsa'y walkathon ako mula sa lrt station hanggang sa aming munting balur dahil nagmimistulang parking lot ang highway. Wala akong choice kundi ang mag-catwalk habang nagwe-wave wave pa sa aking mga fans sa kalsada. Charoz! Syempre, aniz pa ba ang gagawing kong runway kundi ang sidewalk. Siguro naman po alam 'nyo rin po kung ano ang sidewalk, 'wag po kayong shunga, Ate Charo. Chariz! Ngunit marami po tayong mga kababayan na may pagka-shunga rin at tila laging nagmamadali kung kaya't ang kanilang mga motorsiklo ay pinapaharurot ng walang habas sa sidewalk. Opo, Ate Charo, sa sidewalk. Kami pang mga pedestrian ang kailangang gumilid para lamang makadaan ang kanilang motor dahil kung witchels kaming tatabi, bubusinahan nila kame na tila may sarili silang lane at nakahambalang kame. Ang sakit po nun tanggapin, Ate Charo. Makailang ulit na po ako nakipag-murahan sa ilan sa kanila at pinamukha na mali ang kanilang ginagawa. Feeling law abiding citizen ang lola mo na parang ire-recite ko pa sa pagmumukha nila ang batas na mali ang ginagawa nila sa kalsada. Mabuti na lamang at wala pa namang huminto at nagyaya ng suntukan. Lalaban po ako bilang isang byuripul boxer. Charms! Ngunit may isa pong motorista akong naka-engkwentro. Masama ang kanyang ugali, pati na rin ang pez. Charlotte! Matapos naming mag-murahan sa gitna ng kalye, nagtagumpay akong pababain siya sa kalsada. Iwinagayway ko ang bandila ng mga badesa at parang betchikola akong buhatin ng mga kasabay kong pedestrian upang ipagdiwang ang aking tagumpay. Charot! Hindi pa pala tapos si koya, lumingon siya at minura akong muli. Sa aking inis ay wit na akong nakapagpigil at binato ko siya ng maliit na bato. Hindi siya tinamaan. Nagulat ako dahil talagang palaban si koya, binato niya ako ng isang plastik na may lamang kanin. Tama po, Ate Charo. Muntik na ako dun kaya kumaripas na ako ng takbo at baka may naka-shogo pang ulam sa kanyang motor. Mahirap na, baka binagoongan pa ang ulam. Char! Ang nais ko lamang pong malaman ay kung naiba na po ba ang kasabihan. Totoo po kayang 'pag binato ka ng bato, batuhin mo ng isang plastik ng kanin na ngayon? Nawa'y maliwanagan po ako at sana'y maliwanagan din po ang mga motorista sa pagsunod sa ating batas trapiko at sa tamang daanan para sa kanilang mga sasakyan. Maraming salamas po. 

Have a great hair day, Ate Charo. 

Mwahlaplap!

Nagmamahal,
Bernadette aka Nyora