Tuesday, August 30, 2016

Meldification 101

1. ang tunay na maganda, hindi takot lumabas ng walang funda.

2. 'wag magtaray kung hindi naman pakak ang 'yong kilay!

3. 'wag magmaganda kung mula ulo mukhang paa.

4. pumayat dahil sa braces? mahirap kumain or wala na pambiling pagkain?

5. manalamin bago maging mean.

6. para kang Holiday, walang Class!

7. hulaan ko fave dessert mo. mcFLIRTY o swirly BITCH?

8. nag-inarte ka. nang-away ka. gumanda ka ba?

9. mas peke ka pa sa made in china.

10. kaya kong burahin 95% ng sinasabing mong ganda gamit ang wet wipes.

Wednesday, August 17, 2016

Pa-STAR na BAKS

I bought starbucks coffee kanina with Innah. She made pilit me to buy kahit it's not payday today. I was like, "witit! 5 pesos lang ang budget ko for coffee a day." She was like, "gow na, gurrrl!" she was so mapilit so I gave in kahit I am sanay lang in 3 in 1 coffee sa vendo machine.

I ordered caramel macchiatto and said "I'm Arianna!" when the barista asked for my name kahit tall lang ni-buy ko not GRANDE. She made tawa pa nga. jiritation lang! Char. So fake. Like super fake. She laughed kahit it was corny. Choz.

I promised tuloy that I'll make 3-4 sip lang every half an hour para mag-last 'yung coffee until end of shift. I'm not rich kaya talaga and definitely not shala to afford starbucks kape kapehan on a daily basis.

I made biro pa Jyan  that i will bring home the cup kahit empty na siya. I will make para ng bus pauwi while holding the cup so the madla will notice na I can afford to buy the kape kapehan sa starbucks. Shala shalahan. Genern! Tapos i will even make panggap na may kausap sa phone kahit I don't have load and i will talk like this. Davah? So sowsyal na talaga the peg. Hihi.

Actually, that was biruan lang. I will never do such thing. It's so not me. Char.

However, while on my way home. I forgot to make tapon the cup talaga and bitbit it until I reached sakayan. So kainis! I couldn't see any single trash bin sa paligid. Like azar talaga. So i made it bitbit na talaga  inside the bus.

I'm worried that they might think that we're majiraf if they noticed that the cup I'm holding was empty na. They might assume na I will take it home para we can re-use it. That's not chrew! Kaya naman I made panggap na there's coffee pa inside. Every minute sumi-sip ako. Oh davah! I can beat Jaclyn Jose's acting prowess that moment. That was my time, my moment. I seized that one moment in time. Charms.

Until the bus suddenly stopped. Abrupt talaga siya. And the cup accidentally fell sa floor. And the lid was detached from it. Funyeta. And i was like "Syet! K*ng inaaah!"

Sa madaling kwento, ayun nabuko ng mga malapit sa'ken na walang laman yung baso at nagmamasusyal ang bakla.

Halos thirty minutes ang biyahe ng bus at halos thirty minutes nilang iniisip na may isang SOCIOPATHIC SOCIAL CLIMBER silang kasama. Nyeta ulet. Haha

Tuesday, April 12, 2016

Araw ng Kagitingan

Dear Charo,


Knowsline kong suyang suya ka na kakaliham ko tungkol sa pag-iimbot ko sa biyahe. Mapa-bus, jeepney spears o lrt, ang dami kong hanash at reklamo. 'Wag na 'wag mo akong sabihan na wag bumiyahe or tantanan ang kakareklamo dahil belong na dailyly ang dusa dulot ng matinding traffic dahil masasampal kita gamit ang kamay ni Ate Clau Clau Baretto or ni Madame Claudia.

Chariz lamang.

Feelingash ko talaga kanina isang ganap na akong mandirigma pagdating ko sa balur. Sa isip, sa aroma at sa aura.

Jirafee sumakay ng jeepany, bus or shuttle sa ayala kaya nemern best in catwalk na naman ang badet mula ayala hanggang lrt buendia. Nung una kasing perky pa ng jutong ko yung lakad ko kasi kasabay ko si Hello Innah (opismeyt/prensdsyip kong walang kahilig hilig kay Hello Kiki) hanggang export kembular. Nung nagjiwalay na kame at mag-isa na lang akong rumampa, nawalan ako bigla ng happiness and energy nungit parang track field na ang eksena ng mga kasabay ko. Parang naka-hover board ang mga hayuf. Atat lahat umuwi. 30 kph yata ang bilis ng mga sho-o-belles.

charms!

Pagdating ng buendia, ayun, nasa gitna na ng jollibee at 711 yung pila. Naknamfuschia! Parang mmff ang pila. Nung matapat ako sa jollibee, pinandilatan ko yung bagets na lumalapokstra ng ispangetti. Shokot siya at tinuro ako sa mudrabelles. Syempre suma cum laude ako ng B.A. deadmatology major in shutay malaysia. May na-sight pa akong magjowang nagsusubuan pa ng jolly barger, sarap nilang sampalin at paliguan ng gravy. ayaw kong makakita ng masaya nung mga sandaling 'yun. Kailangan sama sama kaming lahat sa dusa.

Chaaar!

Finally, nakarating din sa loob ng isteysyen at nakasakay sa tren. Sa tren na sira ang aircon. Ang saya po talaga davah! Tapos swerte pang katabi ko ang 3 members ng power rangers, honglalakas ng powers ng jutok at jininga. Super homily/kyoho. Best in talk show pa ang shotlo, feelingash nila hosts sila at nila guest akiz at talagang magkakaharap kame. After 30-35 min natapos na rin ang isang session ng sauna/aroma therapy.

Wait! There's more! Syempre hindi magpapakabog ang c3 sa traffic kaya walk, walk fasyon beybi muli ang badet.

Pagdating balur saka ko nasilayan ang anyo ng peyborit kong white polo, parang witchels na siya white. Yung sleeves, nanggigitata. Puputok ang wetness indicator sa tindi ng pawis. At may kung anu pang kulay kalawang sa likod na beri beri lite.

Feelingash ko talaga isa akong napakagiting na mandirigma na matagumpay na namang nalagpasan ang isang masalimuot na laban. Kaya sa lahat ng mga empleyadong halos araw araw na ang pagod at hirap sa trabaho at biyahe, laban lang mga teh! Witchikels lang mga julis, bayani at mga sho-ong nakikipagpatayan para sa bayan ang mga magigiting. Maraming winning ways para tawagin ang isang tao bilang magiting.

Ang liham na ito ay para bukas, para sa Araw ng Kagitingan (I originally posted it in my peysbuk account last April 8. Inglatera ang lola bigla? haha) , Ate Charo. Kaya wag mo akong china-chariz chariz jan.

charms!

Nagmamahal with downy passion,
Bernadette/Nyora (at hindi na imbierna ang badet)