Ako po ulit ito, si Bernadette, at imbierna na naman pong muli ang badet. Hayaan 'nyo po sana akong ilabas ang aking sama ng loob.
Alas-4 ng hapon ang out ko sa opis. Hindi ko na pinalagpas ang isang minuto at nilisan ko agad agad ang opisina. Pagbaba ng building, isang malakas na hambalos ng hangin at pa-sweet na ulan ang sumalubong sa'ken. Buti na lang at nag-bringalu ako ng malaking ella (payong teh). Tumawid ako at agad nakasakay sa airconditioned jeepney spears. Naka-eklipany mae (idlip) ako ng wit ko namamalayan at pagtingin sa nyelpown, 4:40 pm na. Shuta lang davah? Pabebe ang trapik mula ayala hanggang lrt buendia station, walang nakapigil sa kanya. Halos 5 pm na nang makababa ako ng jeepelya. Naisip ko sana nag-catwalk na lang ako at baka mas maaga pa akong nakarating sa lrt ngunit wala akong dalang swimsuit (or scuba gear 'pag exagg ang ulan).
Naisip ko mabait talaga si Papa Bro, knowsline Niyang pagoda cold wave lowsyen na ang badet. Ang madalas na pila sa istasyon na umaabot hanggang sa chowking ay himalang nawala. Halos walang pila sa bilihan ng ticket. Ngunit ako'y nasurpresa. Kaya naman pala halos walang pila, nasa loob na pala lahat ng pasahero, spanish style sardines, lahat waiting in vain makasakay ng tren.
Wititit akong choice kung hindi maghintay ng tren na kahit papaano'y makakasakay ako ng payapa. Wala akong balak isiksik ang mura at bubot kong shutawan. Anim na tren na ang rumampa ngunit wala talagang espasyo. Dumating ang ikapitong tren, parang ikapitong langit rin. Skip train, kaya nagkasya ang lahat ng mga kanina pa inuugat na mga pasahero. Umpisa pa lang pala ng matinding pagdurusa. Sa mga sumunod na istasyon, halos hindi na ako makahinga sa siksikan at kapag sinusuwerte ka nga naman, nakapalibot pa sa'yo ang power rangers. Lahat ng kulay ng power rangers kumpleto, idagdag mo pa si magenta ranger, turquoise ranger at lilac ranger. Shuta. Tagisan ng putok. Pero ang pinakamatinding power ay ang nasa aking kanan, si canary yellow ranger. Opo, Ate Charo, alam ko na hinusguhan ko agad siya pero sure na sure na po ako na sa kanya nanggagaling ang matinding aroma. Final answer! Pero sa awa ng Diyos, nakarating ako sa 5th avenue station na buhay at sabog ang ilong at baga. Chars.
Hindi pa pala tapos ang aking pighati. Hindi gumagalaw ang mga sasakayan mula sa lrt station hanggang sa kanto ng aming baler. Kaya imbes na sumakay ng jeepelya or tricycle, nagpasya akong rumampa at gawing runway ang kahabaan ng c3 habang nakikinig ng makabagbag damdaming animals ni martin garrix na naka-repeat forever. Halos isang kanto na lang at makakapagpahinga na ako. Habang payapa akong nagka-catwalk sa sidewalk, isang motorsiklo ang humaharurot ang biglang lumagpas sa'ken at tinalsikan ako ng tubig ulan na may putik. Shuta davah? At isa isa na silang nagsampahan sa sidewalk kaya ang mga pedestrian ay halos dumikit na sa pader upang iwasan sila. Ang saya nila davah? Ayaw ko na maulit ang engkwentro ko sa isang drayber ng motorsiklo na bumato sa'ken ng isang plastik ng kanin kaya minabuti kong manahimik. Pero hindi pala kaya ng kalooban ko, inilapag ko saglit ang ella ko at buong lakas kong binuhat ang paso na may puno. Tama po, Ate Charo, Puno at hindi halaman na nakatanim sa paso na hanggang hita ko ang taas. Iniharang ko sa daan at 'yung mahabang upuan na na-sight kong nakatambak sa sulok, ginawa ko ring harang. Dali dali akong tumakbo pauwi at baka kuyugin ako ng mga motorista.
Pagdating sa balur, agad kong hinubad ang aking suot at dumiretso sa banyo. Napasandal ako sa wall at biglang napahagugol habang unti unting dumadausdos ang aking shutawan kasabay ng agos ng tubis ng shower ay humalo ang aking mga luha. Hinahampas ko ang aking dibdib. Galit na galit ako. Ang dumi dumi ko na. Halos mawalan ako ng urbanidad. Dinungisan nila ako, Ate Charo. Chariz lamang.
Halos 3 oras ang biyahe ko mula Makati hanggang Caloocan. Caloocan, hindi Bulacan. Halos 3 oras ang tiniis kong pigilan ang napipintong pagbulwak ng bulkang pinatubo. Kaya naman buong laya kong pinakawalan ang ernang kanina pa nagpupumiglas. Ang sarap sa pakiramdam. Kasabay ng pag-flush ko ng inidoro, isinama ko na rin ang sama ng loob ko sa isa na namang masalimuot at karimarimarim na biyahe.
Nagmamahal at muling nag-iimbot,
Nyora Bernadette Imbudo