Thursday, June 4, 2015

napakalambowt

Tinanong ako ng opismeyt ko kaninang umaga, "hug, matigas ka ba?

"Oo, kasing tigas ng damit na ni-marinate sa downy with passion," tugon ko.

Pauwi na ako na napansin kong witchels makulay ang aking outfit. Bihira ito. Feeling lulurki ang drama ko. Istreyt kuno. Tinigasan ko lalo ang aking kilos. Ang dating tsunami walk naging otoko walk.

Sumakay ako ng bus at pinauna ang babaylan, gentleman divah? Nang may sumakay na lola, ipinaubaya ko ang aking trono at hinayaan siyang umupo lalo pa't traffic.

Naisip ng konduktor na magpatugtog dahil OA ang traffic at walang buhay ang telebisyon. Ang taray ng playlist! red jumpsuit apparatus, nickelback, lifehouse at panic at the disco. At knowsline ko lahat ng songs na pinatugtog kaya pa-hum hum pa ang bakla. Lakas talaga maka-tomboy.

Enter kuya Korean na mala KPop star. Parang pumapak ng papaya soap at sinalinan ng 3 bags ng gluthathione ang dugo. Konti na lang kulay dikya na siya. Pero ang gwapo talaga. Summer pero feeling sa antartica siya pumara ng bus dahil sa kanyang outfit. Deadmalaysia. Gwapo talaga. Napansin siguro ng kasama niya na star strucked ako kay koya Korean at bigla siyang tumalon papunta sa'ken at dinilaan ang leeg ko ng bonggang bonggang bonggambilya. Pota! Pusa ang kasama ni koya. At bigla siyang sumulpot palabas mula sa bagelya ni koya. Sa gulat ko isang powerful na tili ang aking nagawa. Isang tili na magiging dahilan ng pagreretiro nina Ate Regine, Ate Mariah at Nina.

Shocked rin ang mga sho-o-obelles at napatingin kung saan nagmula ang mala-whistle na tili. Napangisi ang karamihan at napatitig sa'ken at tila nagsasabi ang mga mata nila na, "Pota! Bekbek pala!" Namutla ako at biglang napasigaw ng,


NYORA: kuya, sa tabi lang po.

KUNDOKTOR: malayo pa lrt.

NYORA: dito lang po ako nakatira sa Dian. (Chars!)


Bumukas ang pinto ng bus at dali dali akong bumaba. Namutla ako sa kahihiyan pumasok sa isang convenient store upang hintayang lumagpas ang bus. Hayup yang si kuya Korean! Malay ko bang PUSA ang laman ng bagelya niya at tatalon papunta sa'ken.

Dahil sa nangyari at sa aking gutom, nagdesisyon akong mag-aral magluto. Ang una kong pag-aaralang gawin, 

SIOPAO. super lambot na siopao. Ang palaman? Alam na!!!

charoz lamang! hello PETA and PAWS. 

9 comments:

  1. Hi Nyora! I miss you!

    Nakakaloka naman yung moment na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaloka talaga nang mas pinabongga at mas pinashala.

      Delete
  2. *hahahahahahaha!* Kainis! Most embarrassing moment mo ba yan?

    Nyora, add mo naman ako sa FB! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige. Anu epbi mo? Tapos magpaalam ako sa joypren ko. Hihi

      Delete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. ahahahahhah! Pahamak ang pusa. PUSA talaga!

    ReplyDelete

chika ng mga rampadora